^

PSN Opinyon

Karalitaan lumalala dahil sa dynasties

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TUMATABA ang political dynasties sa karalitaan. At kung saan kumapit ang dynasties lumalala ang karalitaan. Nabatid ‘yan ng Ateneo University School of Government sa pagsusuri ng mga politiko at karukhaan sa lahat ng 82 probinsiya sa loob ng dalawang dekada.

Dalawa ang uri ng dynasties, paliwanag ni Dean Ronald Mendoza sa saliksik. Sa ‘‘payat’’ na uri, ang mga magkamag­anak, halimbawa ama, anak, at apo, ay naghahalinhinan sa iisang puwesto lang. Medyo mahusay ang paninilbihan nila para mapangalagaan ang magandang pangalan. Sa ‘‘mataba’’ na dynasty, mahigit dalawang magkapamilya ang sabay-sabay na nakapuwesto. Inaangkin ng mag-asawa, magulang, anak, kapatid ang pagiging provincial governor, vice governor, board member, city at municipal mayor, vice mayor, councilor, at congressman. Nagri-rigodon lang sila tuwing eleksiyon. Sa sayaw na rigodon, ang mga umiikot sa circle ay nagpapalitan ng partner sa hudyat ng musika.

Wasak ang checks and balances sa ilalim ng mataba na dynasty. Tungkulin ng governor at mayor ang ehekutibo; sa board members at mga konsehal, sa ilalim ng vice governor at vice mayor ang lehislatura. Kung galing sa iisang pamilya ang gobernor, vice, at board member, kontrolado nila ang mga patakaran at alituntunin. Niluluto ang paglilisensiya ng minahan o bayuhan.

Hindi rin patas sa ilalim ng mataba na dynasty. Kinokontrol ng iisang pamilya ang internal revenue allotment at congressional pork barrel mula sa gobyerno. Ginugugol nila ito sa mga bailiwicks kung saan marami pang kaanak ang nakaluklok. Sa gan’ung paraan napapakonkreto ng dynasty ang kalsada, at napapakabitan ng tubig at kuryente ang mansiyon, beach resort, at mountain rest house.

Samantala, nananatiling mahirap, mangmang, at palaasa ang tao.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with