^

PSN Opinyon

Christian rally vs ‘diabolical’ bills

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG diborsyo at same sex marriage ay batid ng lahat ng naniniwala sa Bibliya na labag sa kalooban ng Diyos. Pero ang mga ito ang tila inaapurang maisabatas ng ating Kongreso.

Ang Christian Coalition for Righteousness, Justice and Truth, na binubuo ng Philippine for Jesus Movement (PJM), Intercessor for the Philippines (IFP), Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), Nameless, Faceless,

Servant (NFS), G12 at ibang multi-sectoral groups ay magsasagawa ng protest rally sa harap mismo ng Senado sa Marso 7. Ito ay sa layuning kalampagin ang lahat ng Mambabatas sa Mataas na Kapulungan na ibasura ang mga nabanggit na bills.

Umaasa naman ako na mahigpit na tututulan ng mga Kristiyanong Senador tulad ni Sen. Joel Villanueva at Manny Pacquiao ang mga batas na ito na tiyak na sisira sa moral fabric ng ating lipunan. Nawa, maliit man ang boses nila ay mangibabaw ito para mawalang saysay ang mga naturang bills na niluto sa Mababang Kapulungan.

Kabilang sa mga bills ang tungkol sa diborsyo, Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression or SOGIE na kung pakakalimiin ay kabilang sa mga tinutukoy sa Salita ng Diyos na kasuklamsuklam sa Maykapal. Hindi ako ang may sabi kundi ang Word of God. Baka naman sabihin ng mga supporters ng mga batas na ito na nagmamarunong ako. Ang sinasabi ko lang, kung pinaniniwalaan natin ang Biblia, marapat lang na sundin ito.

Ayon nga kay Bishop Dan Balais, senior pastor ng Christ the Living Stone Fellowship (CLSF) Church at chairman ng IFP, panahon na para ang lahat ng mga Bible-believing Christians ay magsanib puwersa at gamitin ang tinig para hadlangan ang mga mapanirang panukalang batas na ito. Kaya kasama tayo sa panawagang ito sa lahat ng tunay na Kristiano na sama-samang umaksyon laban sa mga panukalang batas na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with