^

PSN Opinyon

Ang bumantot na Boracay Island

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAY katwiran din naman ang tatlong Senador na hindi palo sa gusto ni Boss Digong na isara ang Boracay Island dahil nga ‘cesspool’ ito.

Last week nagpunta sa Boracay Island ang tatlong itlog este mali tatlong Senador pala na personal nag-assess sa mga nangyaring kapalpakan sa magandang paraisong isla.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw nilang isara ang Boracay Island kundi ang mga lumabag lamang sa environmental laws ang ipasara.

Tama nga naman!

Paano nga naman ang mga business establishments na sumunod sa mga regulasyon at alituntunin ng batas dapat din ba silang isara?

Ika nga, ang mga umisnab sa batas dapat isara na para magtanda at madala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mawawalan ng trabaho sa isla oras na isinara ang mga establishments dito, marami ang magugutom sa kanila.

“Sana kung pakakainin ng gobierno ang mga pamilya nito habang inaayos ang isla?” sabi ng kuwagong manghuhula.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mas mainam dito, gibain ang may 30 establishments sa mga prohibited areas at pagmultahin ang mga may-ari ng nagtayo nito bukod pa sa isama na rin sa kaso ang mga taga-DENR at LGUs na nagpabaya sa kanilang tungkulin.

Sabi nga, tiyak may pitsahan dito?

Sino kaya sa kanila?

Ang masama pa dito pinayagan ng local government ang karamihan sa mga establishments dito kahit walang environmental compliance certificate galing sa DENR.

Bakit ito hindi sinita ng taga-DENR?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat higpitan ng gobierno ang kanilang batas na ipatutupad sa Boracay hindi iyong pakaang-kaang sila dito.

Abangan.

NFA rice, where are you?

SANGREKWA ang bigas sa merkado pero walang NFA rice na murang mabibili ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Bakit kaya?

Malamang muling nagsama-sama ang rice cartel para painitin ang madlang mahihirap at magalit sa gobierno dahil sobrang mahal ng bigas sa ngayon sa mga merkado.

Walang mabiling NFA rice kundi mga commercial rice lamang na nagtaasan naman ng presyo kaya tuloy naggagalaiti sa galit ang madlang mahihirap dahil dehins kaya ng kanilang budget ang mahal na commercial rice.

Sabi nga, paano sila kakain kung mahal ang bigas?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang madlang mahihirap ay hirap bumili ng bigas o walang makain sa mahal ng commercial rice na itinitinda sa mga pamilihan.

Siguro panahon na para sibakin ang ilang opisyal sa NFA, panagutin sila kung nagpabaya sa kanilang tungkulin kung bakit naghihikahos at walang mabiling NFA rice sa merkado.

Kailan kaya sila sisipain?

Huwag tantanan ang imbestigasyon tungkol dito at i-kalaboso ang mga nagkasala kung mayroon man.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with