^

PSN Opinyon

Digong ‘lodi’ ni Trump

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG lakas ng impluwensya ni Presidente Rodrigo Duterte sa Pangulo ng US na si Donald Trump. Lantarang sinabi ng US Prexy sa isang panayam na ibig niyang bitayin ang lahat ng mga criminal na nasasangkot sa illegal drugs, gaya nang ginagawa sa Pilipinas.

Pero teka, wala naman tayong legal na execution ng mga drug kriminals. Yung mga napapatay ay dahil sa mga enkuwentro sa pagitan ng mga pulis at ng mga drug pushers. Ngunit habang binabatikos ng United Nations ang Pangulo dahil sa human rights violations, sinasang­ayunan naman ito ng Pangulo ng Amerika. Sabagay, talaga namang nung una pa lang ay nakita na natin na halos pareho ng balahibo ang dalawang Pangulo.

Kampanteng sinabi ni Trump na ang China at Pilipinas ay walang drug problem dahil pinapatay ang mga drug personalities. Ginawa ring ehemplo ni Trump ang Singapore na nagpapataw ng bitay sa mga nasasangkot sa droga. Ito raw ang dahilan kung bakit ang kaso ng droga sa Southeast Asia ay mababa.

Ngunit nagkakamali si Trump sa pagsasabing wala tayong­ drug problem. Naririyan pa rin ang problema kaya patuloy ang giyera laban sa demonyong bisyong ito. Sa China, kontrolado ang drug problem dahil may pataw na parusang kamatayan sa mga drug traders. Kaya naman ang mga criminal na Intsik ay ginagawa ang kanilang buktot na negosyo sa ibang bansa, kasama ang Pilipinas. Kinakaharap kasi ng Amerika ngayon ang problema sa droga, particular ang paggamit ng opyo ng ilang mamamayan.

Mabigat na problema ang droga sa ating bansa. Kahit makulong pa ang mga drug lords sa Bilibid, nakakapag-shabu business pa rin sa loob ng bilangguan. Kaya parang may lohika ang pagpapataw ng kamatayan sa mga drug criminal. But again, in the last analysis, dahil sa depektibong sistema ng katarungan sa Pilipinas, baka naman may mga taong wala naman talagang kasa­lanan na masasalang sa bitayan.

vuukle comment

DONALD TRUMP

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with