^

PSN Opinyon

Eleksyon ‘wag nang ipagpaliban

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BAKIT kaya may mga politikong ibig ipagpaliban ang halalang pambarangay? Hmmm..ayokong isipin na dahil sa ilang barangay officials na protektor ng mga illegal na gawain tulad ng droga na pinakikinabangan din ng mga tiwaling politiko.

Kung mayroong ibang politiko na nais ipagpaliban pa ang eleksyon pambarangay at pang-Sanguniang Kabataan, malamang na ito’y  bunsod ng makasariling interes. Mabuti’t tiniyak ng Malacañang na tuloy na tuloy na ang mga naturang eleksyon at wala nang makakahadlang.

Kung sino man ang nambabraso sa postponement ng eleksyon, malamang, yun ang mga nakikinabang sa ka­nilang mga kakamping barangay officials na gusto nilang manatili sa puwesto.

Kaya tama ang panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa madla: Maging mata­lino sa pagboto at huwag paloloko sa mga kandidatong mahilig lamang mambola kaugnay ng gaganaping Brgy. at Sanggunian Kabataan (SK) elections sa darating na Mayo.

Eh, talaga namang hindi pa natin makita ang political maturity sa ating mga botante dahil sa maligalig na kalagayang pampulitika sa ating bansa. Noong matanggal ang rehimeng Marcos nung taong 1986, akala natin magkakaroon na ng positibong pagbabago. Wala pa rin. Tila nga lalung naglulubha ang situwasyon dahil sa nakikita nating political division sa ating bansa.

Ayon kay DILG OIC Ed Año, inihahanda na nila ang ipatutupad na seguridad kaugnay ng gaganaping halalan sa  darating na Mayo 14.

Hindi natin nilalahat pero hindi maitatatwa ang katotohanang maraming barangay officials ang dapat nang kalusin dahil sa pagsawsaw sa mga illegal na gawain.  Kaya sa darating na eleksyon, ipakita nating mga botante ang malasakit sa bansa sa pamamagitan ng pagboto lamang sa mga taong may mabubuting reputasyon at mapagkakatiwalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with