^

PSN Opinyon

Tuloy na ang Barangay at SK election

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TULOY na ang Barangay at Sangguniang Kabataan election sa May kaya naman tuwang-tuwa ang ilang pinoy dahil mapapalitan na daw ang kina-aasaran nilang mga burungoy kawatan lalo’t iyong mga patong sa mga illegal na gawain sa kani-kanilang mga lugar.

Sabi nga, totoong may halalan kaya mangampanya na kayo! Hehehe.

Ang importante lang sa eleksyon ay dapat maging makapal este mali mapayapa at maayos ito para hindi magka-aberya.

Mukhang malabo ang isinusulong ni Mindoro Oriental Rep. Rey Umali, chairman ng committee on justice, na alaws Barangay at SK election?

Sa Senado ay mukhang walang nagtutulak ng gustong proposal ni Umali.

Sabi nga, huwag ng ituloy!

Abangan.

MIASCOR prayer rally

YESTERDAY, nag - ‘pray and march for MIASCOR, isang interfaith prayer rally para sa kapakanan ng 4,000 employees nila.

Bakit?

Baka kasi maghiwalay-hiwalay na sila dahil ayaw ni Boss Digong na mag-trabaho pa ang mga taga - MIASCOR bilang ground handlers partikular sa Clark International Airport dahil ninakaw ang mga kagamitan ng isang manggagawa galing Canada ng dumating ito doon sa paliparan.

Dahil sa pangyayaring ito nag-alburoto at naggagalaiti sa galit si Boss Digong kaya ini-tsipuera sila sa Clark International Airport.

Sabi nga, isara!

Kasabay naman nito hindi na pinalawig ang kontrata ng MIASCOR sa NAIA Terminals ni MIAA general manager Ed Monreal.

Bhe, buti nga!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simultaneous ang activity ng MIASCOR sa outstations nila sa Cebu, Davao, Clark, at Kalibo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang  kompanyang ito ay binigyan na lamang ng one month ultimatum sa NAIA para umalis at iwan na ang kanilang trabaho.

Bhe, buti nga!

Nananawagan naman ang mga manggagawa na walang kinalaman sa ginawang pagnanakaw ng kanilang kasamahan na huwag silang idamay dahil apektado at kawawa ang kanilang pamilya sa mangyayaring ‘closure!’

Kaya humihingi sila ng pangunawa sa Pangulo at sa iba pang mga pasahero na naapektuhan nang problema.

Nakisama naman ang ilang airline companies na maapektuhan kapag umalis ang MIASCOR na bigyan pa sila ng palugit habang wala pang handlers na makukuha silang kapalit.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with