^

PSN Opinyon

Trust and confidence ni Digong kay Bato

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

EXTENDED sa puesto si CPNP Bato dela Rosa kaya hindi muna ito tatayo sa kanyang trono para ipasa sana sa kanyang kapalit ang kaharian kaugnay sa pinakamataas na posisyon sa pagka -matulis este mali pulis pala.

Bakit?

Binasbasan muli ni Boss Digong ang pagpapalawig sa kanyang serbisyo sa Crame.

Sabi nga, another 3 months, again?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawa ni Boss Digong kay Bato ang mga umaasang dapat papalit dito ay antay-antay muna.

Ika nga, nganga muna kayo. Hehehe.

Hindi kasi biro ang piansa este mali kompiansya pala at tiwala ni Boss Digong kay Bato, lalo’t masaya ang pangulo sa mga ginagawa ni ‘stone’ sa kanyang pamamalakad sa PNP.

Kung maaalala ng madlang people sa Philippines my Philippines ganito rin ang ginawa noon ni Apo Macoy kay General Ver dahil sa ‘trust and confidence’ ng una sa huli kaya naman sangkaterbang nasa baba ang nag-aalburoto noon.

Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng makakuha ng tiempo sina ‘tabako’ at Johnny Enrile noon  nagkapit tuko este mali bisig pala sila at naglunsad ng kudeta laban sa Marcos government para mapatalsik sa puesto ang lahat ng mga alipores nito sa Philippines my Philippines.

Anyare?

Nagtakbuhan sa tabakuhan este mali ang karamihan pala sa kanila sa abroad para doon magtago at hindi matamaan ng latigo ng pumalit na pangulo?

Naku ha!

Ano ba iyon?

Sa pangyayari kay Bato marami siempre ang natuwa lalo na ang kanyang mga ‘Mistah’ sa PMA dahil hindi sila mapa-pagpag tulad nang nangyari sa PMA Class 85 ng umupo ito bilang CPNP?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang magagawa dahil ang trust and confidence ni Boss Digong ay kay Bato at ang tiwala naman at kompiansya ng huli siempre ay nasa kanyang mga Mistah.

Abangan.

Ang bumantot na paraiso

DAPAT makalaboso ang mga nagsabwatan na mga local officials, DENR at iba pang taga - gobierno sa nangyayari ngayon dyan sa Boracay Island.

Bakit?

Mismo si Boss Digong ang nakadiskubre na marumi at mabaho ang dagat sa isla nito.

Kasi nga, walang sistema ginawa ang mga people of the government doon dahil ang tapunan ng dumi ay sa dagat napunta.

Ano ang mainam gawin?

Sagot - panagutin ang may sala!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with