^

PSN Opinyon

Marami pa riyan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALONG mag-aaral ng UST ang sinipa na mula sa uni­bersidad, dahil sa kasangkutan nila sa pagpatay kay Horacio Castillo III. Biktima ng hazing si Castillo, mula sa mga mi­yembro ng Aegis Juris Law Fraternity. Ito sa wakas ang kilos ng unibersidad para ipakita na hindi kinukunsunti at may malasakit sa ginawang pagpatay kay Castillo. Binatikos nang husto ang UST sa tila kibit-balikat na katayuan hinggil sa insidente, partikular si UST Law Dean Nilo Divina, na miymebro rin ng nasabing fraternity. Pero iginiit ngayon ang pangako na alamin nang husto ang katotohanan at parusahan ang may-sala, para mabigyan ng hustisya si Castillo. Sasang-ayunan ng UST Faculty of Civil Law ang desisyon. Hindi naman pinangalanan pa ang walong mag-aaral. Lahat nag-aaral ng abogasya. Sira na ang kanilang ambisyon, pati na rin ang lahat ng pinaghirapan ng kani-kanilang mga magulang, na biktima rin ng kalokohan ng fraternity.

Ano naman kaya ang estado na ng kaso laban sa lahat ng mga sangkot sa pagpatay kay Castillo? Nawala na kasi sa balita ang kaso. Ano na ang nangyari sa testimonya ni Mark Ventura, na ginawa nang testigo para sa estado? Baka naman ginagapangan na ng mga may malalakas na koneksyon para maabswelto, tulad ng nangyari sa karamihan ng mga kasong hazing sa bansa. Magandang simula ang pagtanggal sa walo, pero sa aking kaalaman ay ma­rami ang sangkot sa hazing, pati na rin ang mga miyembro na nagtangkang pagtakpan ang krimen, kabilang ang ilang kasalukuyang abogado.

Alam ko ay pinag-uusapan noon kung paano makakasuhan ang mga nagtangkang pagtakpan ang krimen, batay sa mga pag-uusap sa social media. Inaalam kung paano matatanggalan ng lisensya ang mga abogado. Kabalintunaan nga na mga abogado pa ang nagbigay ng mga mungkahi para pagtakpan ang krimen, at bigyan ng proteksiyon ang kanilang mga “brod” para hindi mahuli o makulong. Inaasahan na lahat ng sangkot, maging sa aktwal na nanakit kay Castillo noong gabing iyon, hanggang sa mga kumilos at nagbigay mungkahi para pagtakpan ang krimen, ay makakasahan at maparusahan ayon sa batas. Magsilbing babala na rin ito sa lahat ng fraternity. Marami pa riyan ang patagong pinadadaan sa hazing ang mga gustong maging miyembro.

vuukle comment

HORACIO CASTILLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with