^

PSN Opinyon

Rapist ang anak ni Boss (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SABI naman ni Peter, inakit lang daw siya ni Ruth. Kaladkaring babae daw ito at nakikipagrelasyon sa iba’t ibang lalaki. Nagkataon lang at natukso siya. Kakapasok lang daw niya sa bodega pagkatapos kausapin ang tatlong tauhan kasama ng pinsan na si Benjo. Sumunod daw sa kanya si Ruth, isinarado ang pinto, niyakap siya sabay pinaglaruan ang kanyang ari at ito ang dahilan kung bakit tuluyan na silang nagtalik. Kuwento pa nito, sa sobrang sikip daw kasi ng kanyang pantalon at sa tindi ng kanyang nararamdaman ay hindi na nahubad ito at nilabasan na siya. Sa tagpong ito raw pumasok si Chona at nagtanong kung ano ang kanilang ginagawa.

Tumestigo rin si Benjo pabor sa pinsan sa kung sino raw ang unang kumilos para magbigay ng motibo sa nangyari. Pati si Atty. Calderon ay tumestigo tungkol sa reputasyon ni Ruth. Hindi naman daw niya narinig na nagsisigaw si Ruth. Patutsada pa ng abogado ay baka raw may relasyon si Ruth at ang doktor na sumuri sa kanya kaya lang pinalabas na rape victim ang babae.

Matapos ang paglilitis ay hinatulang may sala si Peter sa kasong rape at sinentensiyahan ng reclusion perpetua. Naniwala ang korte sa testimonya ni Ruth. Malinaw na ikinuwento ng babae ang sinapit na walang anumang pag-aatubili tulad sa karaniwang nararanasan ng tao.

Kinatigan ng Supreme Court ang naging pasya ng mababang hukuman. Hindi naman daw mahirap paniwalaan na madali talagang magawa ni Peter na gahasain si Ruth kung dahil sa laki ng katawan nito at ang kanyang impluwensiya bilang anak ng may-ari ng hasyenda. Normal din ang ipinakita ni Ruth na agad tumakdo at pumunta para magsumbong kay Mrs. Calderon na isa ring babae. Ang ilang di pagkakatugma ng kanyang salaysay ay hindi raw nakakaapekto sa integridad ng kanyang testimonya.

Ang pinakamabisang ebidensiya na hindi nagsisinu-ngaling si Ruth ay ang medical report na nagkumpirma sa lahat ng aspeto ng pagkaluray ng kanyang pagkababae.

Ang kuwento naman ni Peter ay puro kathang-isip at nagdiin pa ng kanyang pagsisinungaling bukod sa pagiging rapist. Kung talagang hindi niya ginahasa si Ruth, bakit daw positibong nakakita ang duktor ng mga bagay na nagpapatunay na si Ruth ay nagahasa. Sapat na ang ebidensiya para patunayan na walang kaduda-duda ang krimeng ibinintang sa kanya (People vs. Japitana Jr., G.R. No. L-34232, May 25, 1990).  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with