^

PSN Opinyon

EDITORYAL - POLO-OWWA sa Kuwait, nagpabaya?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - POLO-OWWA sa Kuwait, nagpabaya?

KARUMAL-DUMAL ang ginawa kay Joanna Da­niella Demafelis ng kanyang mga amo sa Kuwait. Pagkaraang bugbugin at patayin, inilagay ang bangkay nito sa freezer at saka inabandona ang apartment. Umano’y isang Lebanese ang among lalaki at Syrian naman ang babaing amo ni Joanna. Natuklasan lamang umano ang bangkay ni Joanna nang magtungo sa apartment ang Kuwaiti police para mag-serve ng warrant sa mga amo na nahaharap sa ibang kaso. Nakita ang bangkay sa freezer na umano’y isang taon nang naroon. Nang siyasatin ang bangkay, nakita ang mga saksak sa katawan, mga pasa at may baling buto sa tadyang. Hinihinalang tinortyur si Joanna ng among lalaki at babae.

Ayon sa salaysay ng kapatid ni Joanna na si Jessica, legal ang pagkakapunta nito sa Kuwait noong 2014. Tuwing ikatlong buwan lang daw sila nagkakausap ni Joanna sa loob ng dalawang taon nitong pagtatrabaho sa Kuwait dahil ito pinapayagan ng amo na magkaroon ng sariling cell phone. Hindi naman daw nito sinasabi sa kanya na minamaltrato ng amo. Tahimik daw kasi si Joanna. Nagtrabaho umano ito sa Kuwait para matulungan ang mga magulang sa Iloilo at mapag-aral ang mga kapatid.

Ayon kay Jessica, nawalan na sila ng komunikasyon kay Joanna noong Pebrero 2017. Wala na silang balita ukol dito. Hindi na tumawag mula noon. Hanggang sa maireport sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nawawala si Joanna. Dahil doon, nag-alala na sina Jessica at tumawag sa OWWA at POLO office sa Kuwait hinggil sa kapatid. Pero hindi sila pinansin ng mga tauhan ng POLO-OWWA at sinabi umano sa kanila na maghintay sapagkat marami pa silang kaso na ipina-follow-up. Hindi na mapalagay mula noon sina Jessica.

Hanggang noong nakaraang linggo, nalaman nilang ang babaing nasa freezer ay si Joanna. Parang bumagsak ang mundo nila. Nawala na ang kanilang kapatid na kaya nagtungo sa Kuwait ay para maghanapbuhay pero kamatayan ang nasumpungan.

Ang aksiyon ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang hinihintay para maimbestigahan ang mga opisyal ng POLO-OWWA na nagpabaya sa kalagayan ni Joanna. Kailangan silang maparusahan nang mabigat.

vuukle comment

OFW

OWWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with