^

PSN Opinyon

Hindi rape

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

NAGTANGKA siyang manlaban pero walang nangyari dahil tinakpan nito ang bibig at ilong niya sabay nagbantang papatayin siya. Dahil sa takot ay walang nagawa si Zoe hanggang makuha ni Chad ang kanyang pagnanasa. Nawalan ng malay si Zoe at nagising na yakap ni Chad. Siniguro ni Chad na siya ang bahala sa kanya pagkatapos ng pangyayari at inihatid siya sa airport patungo sa Cebu City kung saan tumira siya ng apat na gabi sa apartment ni Chad at tatlong beses o higit pa siyang pinagsamantalahan muli. Tinanong pa ni Zoe ang sekretarya ni Chad kung maaring gayumahin ang Amerikano.

Samantala, sa Maynila ay nagreport na sa mga pulis ang mga magulang ni Zoe tungkol sa kanyang pagkawala. Nang malaman ito ni Chad ay kinumpronta niya ang dalaga na umamin na takot itong umuwi dahil sa maaaring gawin ng tatay niya. Kaya pagkatapos ng limang araw na paninirahan sa Cebu ay bumalik na si Zoe sa Maynila. Nang makaharap ang mga magulang ay napaiyak ang dalaga at inamin na pinagsamantalahan siya ni Chad.

Matapos masuri ng doktor at mapatunayan ang pagkapunit ng kanyang ari dahil nga sa pakikipagtalik, kinasuhan si Chad sa unang rape kay Zoe. Itinanggi ni Chad ang paratang at sinabing ginusto rin ni Zoe ang nangyari. Habang nililitis ang kaso ay dalawang beses siyang pinayagan na makalabas ng bansa. Pero pagkatapos ng paglilitis ay hinatulan siyang maysala at sinintensiyahan ng reclusion perpetua para sa kasong rape at pinagbabayad ng danyos na P20,000. Tama ba ang korte?

Ayon sa Korte Suprema, hindi tama ang RTC. Hindi naman daw napatunayan na talagang lumaban si Zoe sa lalaki dahil wala siyang anumang sugat para ipakitang tumanggi siyang makipagtalik. Kung talagang apat na beses siyang ginahasa ng lalaki, dapat ay tinawagan niya agad ang mga magulang o ang kaibigan niyang si Ina noong una siyang ginahasa imbes na kusang loob pa siyang sumama sa airport para ihatid si Chad at sumunod pa siya sa lalaki kahit hindi niya alam ang lugar na pupuntahan nito. Pinayagan pa ng Korte si Chad na makalabas ng bansa at puwede na siyang hindi bumalik pero bumalik parin siya ng Pilipinas. Malinaw na kumpiyansa si Chad na wala siyang sala.

Ang akusasyong rape ay hindi simpleng kapritso dahil seryoso ang magiging resulta nito. Dapat lang na suriing mabuti at pag-aralan ng korte ang mga detalye para masiguro na talagang nagsasabi ng totoo ang biktima (People vs. Herrick, G.R. 85137, July 12, 1990).               

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with