^

PSN Opinyon

Pati ere sa Panatag aagawin ng Beijing

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KUNWARI lang magtatayo ang Beijing ng environment monitor station sa Panatag (Scarborough) Shoal. Sa totoo, paghahanda ito para agawin ang ere sa South China (West Philippine) Sea. Walang pinagkaiba sa pagtatag ng Beijing ng istrukturang umano’y pang-sibilyan sa iba pang bahura -- na kinalauna’y ginamit ng militar para mang-agaw ng dagat.

Inanunsiyo ng China na tatapusin sa loob ng 2017 ang “bantay-kalikasan” sa limang bahura sa Paracels sa Vietnam, at sa Panatag. Ang huli ay 15,000-ektar­yang pangisdaan ng Pilipino daan-taon na. Teritoryo natin ‘yon, 120 milya (250 km) lang mula sa Subic Base. Dineklarang ilegal ng UN arbitration court ang pag-agaw ng Beijing sa Panatag nu’ng 2012. Banta sa seguridad at likas-yaman natin ang balakin ng Beijing.

Nu’ng 1987 naglagay ang Beijing ng weather station sa Fiery Cross Reef para tulungan kuno ang UNESCO. Nitong 2014 ginawa nila itong naval station, at naglatag ng 3,000-metrong airstrip, at missiles. Ganundin nu’ng 1994 nagtayo ang Beijing ng mga kubong pang-mangi­ngisda sa Mischief Reef, bandang Palawan. Makalipas ang isang taon ginawa itong naval fortress. Lima pang bahura sa 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas ang ni-reclaim ng Beijing na artipisyal na isla. Dalawa rito, tulad ng Fiery Cross, ay may airstrips at missiles.

Ngayon naman ay Panatag ang inaasinta ng Beijing. Ang environment station ay walang iba kundi radar, na pang-detect ng mga dumadaang eroplano. Kapag may radar makokontrol ng Beijing ang buong karagatan. Maglalatag ito ng Air Defense Identification Zone (ADIZ). Oobligahin ang airlines at eroplanong militar ng ibang bansa na magpaalam bago lumipad. Panuporta ito sa kontrol ng Beijing sa dagat sa pamamagitan ng mga artipisyal na isla at barkong pampatrolya. Gagamitin ng Beijing ang missiles para ipatupad ang ADIZ.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

vuukle comment

SCARBOROUGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with