^

PSN Opinyon

‘Shame Duterte!’ ang layunin ng ICC case

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI ako maka-Duterte. Gayunman umaayon ako sa sapantaha ng iba na ang kasong paglabag sa karapatang-pantao na iniharap laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC) ay naglalayong hiyain siya sa komu­­nidad ng mga bansa. Ito rin ang paniniwala ng ilang Senador.

Kasi nga naman, isinagawa ang pagsasampa ng kaso sa pagsisimula ng ASEAN Summit dito sa ating bansa, na dito’y hindi lang host country ang Pilipinas kundi si Presidente Duterte pa ang “chairman” ng naturang pagtitipon. Kung may malasakit sa bansa ang mga nagharap ng kasong ito, dapat man lang sana ay naghintay sila hanggang matapos ang summit. Gusto man natin si Duterte o hindi, isipin na lang muna natin na nakataya ang kahihiyan, hindi lamang ni Duterte kundi ng buong bansa.

Kinukuwestyon ni  Senator JV Ejercito, kuwestiyo­nable­ ang timing sa paghahain ng kaso. Aniya, klaro na layunin­ nito na sirain ang kredibilidad ng Pangulo sa international­ community. Anang Senador, malinaw na bahagi ito ng pagsasabwatan ng ilan para wasakin ang kredibilidad ng Pangulo. Naniniwala rin ang karamihan sa Senado na hindi magtatagumpay ang kasong ito.

 Ani Senate Majority Leader Vicente Sotto III, hindi naka­kabahala ang kaso at mahihirapan itong magtagumpay.

 Sabi naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, madi­dismaya lamang ang mga nasa likod ng pagsasampa­ ng kaso laban sa Pangulo sa ICC lalo pa’t kung ibina­batay lamang ito sa testimonya nina Edgar Matobato at dating SPO3 Arturo Lascañas. Bakit? Kasi raw “pol­luted at perjured witnesses” sina Matobato at Las­cañas. Oo nga. Paano mo paniniwalaan ang mga taong pabagu-bago ng pahayag­?

Nakatitiyak rin si Lacson na sa basu­rahan lamang mapupunta ang kasong inihain sa Pangulo. Hanggang­ ngayon, masamang politika pa rin ang problema natin kaya hindi umuunlad ang bansa.

vuukle comment

ASEAN SUMMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with