^

PSN Opinyon

Pagong Ako Pilipinas

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SA mga Master Masons na miembro ng Pagong Ako Kuyang o PAK Pilipinas at ang mga gustong magpa-rehistro para maging kasapi dito ay pinaaalahanan ni VW Jun Vidanes, na ang Grand Eyeball and Conferral ay sa makalawa na.

Sabi nga, sa Huebes (April 27).

Ang mga interesadong gustong maging members at mga Kuyang na miembro nito ay huwag mag-atubiling magpunta sa Bradleys Grill Vista Point, Maharlika West Tataytay City at magsisimula ang walang katapusang kasayahan ng 9pm.

Bukod dito, sa para sa kaalaman ng mga Kuyang na PAK Pilipinas nagkita na ang mga pagong na miembro ng PAK Sydney Pond sa pangunguna ni Bro. Clive Mostoles at mga Kuyang from Australia and of course ang mga guapitong PAK Pilipinas sa pangunguna ni VW Jun sa Lan Kwai Fong resto ni Kuyang Anthony Chan dyan sa may Scout Gandia, Kyusi.

Sabi nga, ang sasarap ng tsibog na inihanda ni Ku­yang Anthony.

Anyway, kambiyo issue, magkita-kita na lamang ang mga ‘PAGONG’ sa Huebes sa nasabing lugar.

Sa mga gustong sumali todits maghanda na kayong lumakad para hindi kayo mahuli sa fellowship!

Abangan.

Traffic sa EDSA wala ng pag-asa

YAMOT na yamot ang madlang people the other week dahil habang tumatakbo ang araw ay lalong lumalala ang trapik sa EDSA at mukhang hindi na ito kayang bigyan solution pa ni OIC MMDA chairman Tim Orbos.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya kung anu-ano na lamang mga praise releases ang pinaggagawa ni Tim para hindi siya mapukpok ng madlang people at mapansin ni Boss Digong sa nangyayaring tindi ng traffic sa EDSA.

Ika nga, walang silbi ito sa kanyang puesto kaya naman marami ang nagtataka kung bakit up to now ay andyan pa siya.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagmimistulang inutil diumano si Tim sa kanyang trabaho kahit iyong mga sasakyan nakaparada sa mga bangketa ay parang hindi niya kayang mabigyan ng solusyon?

Bakit?

Sagot - pabaya si Tim  ginagamit ang mga bangketa bilang mga talyer at iba pang mga negosyo para tuloy nabili ito sa gobierno kung titignan.

Abangan.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with