^

PSN Opinyon

Ano’ng silbi ng electoral protest

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA sa akin, walang electoral protest, lalu na sa pinaka­mataas na halal na posiyon sa pamahalaan ang totoong may pakinabang maliban na lang sa “vindication” ng nag-aakusang siya ay dinaya. Iyan ay kung mapapa­tunayan ang kanyang alegasyon. Dalawang bagay kasi ang puwedeng maganap: Madismis ang kaso o ibitin ng Korte hanggang makatapos ng termino ang ipino­protesta.

Tinanggap na ng Korte Suprema ang P36-M na ini­tial protest fee na inihain ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’  Marcos, Jr. Ang laki na halagang gagastusin at ang binayaran ni Marcos ay kalahati pa lang! Wow! Imagine, gagastos ka ng malaking kayamanan para lamang mapatunayan na dinaya ka? At kung tutuusin, sa dami ng mga balotang muling bubuksan at bibilangin inaabot ng siyam-siyam bago makapaglabas ng pro­mul­gation ng Korte Suprema na siyang tumatayong Pre­sidential Electoral Tribunal (PET).

Nangyari na ito nang maglaban sina yumaong Pre­sidential bet, Sen. Miriam Santiago at ang  nanalong Pre­sidente Ramos noong Presidential polls sa taong 1992. “Dinaya ako ni Talakitok” (tawag ni Miriam kay Ramos).Natapos ang buong termino ni Ramos dahil dinismis ng Korte ang protesta ni Miriam.

Ngayon, iginigiit ni Marcos na siya ay nadaya sa na­kalipas na halalan ng nanunungkulang Vice President na si Leni Robredo. Iyan ang binayaran ni Marcos para ipru­­weba na siya ang nanalo noong May 16, 2016.

Ang pagtanggap sa protest fee ay patungkol sa kinu­­kuwestiyong pagkapanalo ni Vice President Leni Ro­b­redo­ sa halalan noong Mayo 16, 2016. Hindi naman siguro ganyan karami ang mga balotang sisilipin muli at kung gugustuhin, puwedeng pabilisin ang proseso para maiupo ang nagpoprotesta kung mananalo.

Pero posibleng mangibabaw ang bias o prejudice ng mga mahistrado para ibitin ang resulta. Huwag lang sanang mambabraso ang administrasyong Du­terte na kitang-kita ang pagkiling kay Marcos. Ngunit sa tingin ko naman, may malayang kaisipan ang Korte Suprema na pinamumunuan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ito’y napatunayan na sa mga nakaraang desisyon nito na labag sa kagustuhan ng Pangulo.

Samantala, pinagpaliban naman ng PET ang pagpapalabas ng resolusyon sa inihaing motion for reconsideration ni VP Leni  laban sa pagbabayad ng inisyal na P8-M para sa kanyang counter protest sa 8,042 clustered precincts.

vuukle comment

PET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with