^

PSN Opinyon

Kalakal ng Chinoy sa South Africa

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MISKI sa edad-77 walang pagka-pagod si Chinese Filipino Carlos Chan, ng Oishi snack foods. Nakapagtatag na siya ng 30 pabrika sa East at South Asia. Ngayon tumatawid siya sa Indian Ocean para magtayo ng ika-31 -- sa South Africa. Magte-test-run ngayong buwan ang pagawaan sa Johannesburg, at magbubukas sa Mayo. Hindi lang ang malaking bansa ng 55 milyon ang target ni Mr. Chan, kundi pati mga kapit-bansa na bahagi ng free-trade zone ng kontinente.

Nu’ng 2015 bumisita si Mr. Chan sa isang kaibigang Tsino sa South Africa. Agad napansin niya na lumalaki ang kita ng mga tao doon, kaya nakakabili ng mas maraming pagkain, pero wala silang snack foods. Sa ibang bansa sa Africa putok ang skin whitening solutions mula sa Pilipinas -- maniwala kayo o hindi. Pati Filipino tele-novelas ay sikat -- dahil tawang-tawa ang mga Aprikano makapanood ng mga lalaking umiiyak. Inaasahang dudumugin din doon ang Oishi snack foods.

Ang turing ni Mr. Chan sa pagnenegosyo sa Africa ay “bagong pakikipag-sapalaran.” Magugunita tuloy ang mga makasaysayang kaganapan, na mahilig niya balik-aralin. Dalawang-libong taon noon tinawid din ng mga ninunong Malay ng mga Pilipino ang malikot na dagat, sa mga kahoy na balangay, at nagdala ng pagtatanim ng palay, kalabaw, at katangi-tanging uri ng saging ng Southeast Asia. Anim na beses nu’ng siglo-1400 lumayag sa east Africa ang Tsinong explorer Zheng He para makipag-kalakal at palitang-kultura. Ninanamnam ni Mr. Chan ang mga aral. Pinaplano niya magdala ng mga Pilipinong artista at pantas sa Pretoria at Cape Town, South Africa.

Kilalang-kilala ang Oishi sa China, kung saan unang nag-international si Mr. Chan sa Shanghai nu’ng 1993. Meron siyang 17 production at packaging plants sa higanteng bansa. Meron ding 13 pabrika ang Oishi sa Indonesia, Vietnam, Thailand, Cambodia, Myanmar, India, at Pilipinas.

vuukle comment

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with