^

PSN Opinyon

Si Boss Digong

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang paniniwala ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na sangkaterbang madlang people sa Philippines my Philippines ang pabor sa ginawang kampanya ni Boss Digong sa all-out war nito against illegal drugs.

Ika nga, palakpakan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naintindihan na ngayon ng madlang Pinoy ang gustong iparating ni Boss Digong sa mga druglords, pushers at mga sira ulong adik ang mensaheng ‘stop it’ or ‘go to hell.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nangyayari ngayon sa Philippines my Philippines ang mga kritiko lamang ni Boss Digong ang hindi umaayon dito at mga pumapalag samantala ang mga peace at loving madlang Pinoy ay gusto ang nangyayari dahil bumababa ang krimen.

Ika nga, safe nang mamasyal at umuwi sa ngayon kahit sa gabi!

‘Wala ng kaba sa dibdib o takot ang umiiral na baka may mangholdap, mandugas, manggahasa, pumatay at marami pang ibang krimen na puedeng gawin.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas feeling ng madlang Pinoy ngayon na ligtas sila sa mga kalsada hindi katulad dati na marami ang kinakabahan sa kanila kapag umuuwi ng alanganin oras.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, panahon na rin para malipol ang mga druglords at bigtime pushers dahil hindi biro ang pinatay, sinira ang mga ulo, winasak na pamilya  kaya kailangan sila naman ang gantihan. Hehehe!

Ika nga, tama si Boss Digong sa kanyang paninindigan sa droga.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong panahon ng Martial Law may slogan ding lumabas sa Philippines my Philippines ang mensahe ‘kill the pushers.’

‘Kaya naman noon marami ang tumino natakot tumira ng morotgara ang mga adik at magbenta ang mga pushers matapos sampolan si Lim Seng sa Fort Bonifacio ng ipa-firing squard ito with matching live telecast.’ sabi ng kuwagong adik na gurang.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon mas kinikilala sa buong mundo na si Boss Digong ang pinakama-impluwensiyang lider matapos nitong maungusan sina Pope Francis at Russian President Putin.

Abangan.     

Puro plano si Orbos

NINGAS cogon ang mga istilo ni MMDA acting chairman Tim Orbos puro plano o drawing ang pinaggagawa nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang laban diumano sa mahirap lang si Tim dahil karamihan sa mga pinaghuhuli nito dyan sa mga bangketa ay iyong mga nasa middle class pababa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang ginagawa si Orbos sa mga mayayaman negosyante na ginagawang talyer at paradahan 24/7 ang bangketa lalo na dyan sa may West Avenue, Kyusi, na sa kalsada na mismo naglalakad ang madlang people.

‘Paano ngayon kung may madisgrasiya sa mga naglalakad sa kalye dahil hindi na madaanan ang bangketa sa Mabuhay Lane ng West Ave., siguro dito aaksyon si Orbos para gumimik?’ sabi ng kuwagong puro kuento.

Sabi nga, para sabihin I am sorry!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi niya kaya ang hotraba niya dyan sa MMDA siguro dapat na siyang magbitiw sa kanyang puesto para ibigay doon sa may kaya ang trabaho?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para maibsan ang malalang traffic sa kahabaan ng EDSA bukuhin na diumano ang kalakaran dito ?

Abangan.

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with