^

PSN Opinyon

Mga colorum na SUV habulin!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Sawang-sawa na ba kayo sa sobrang trapik na nara­ranasan araw-araw? Indikasyon ito mga suki na gumaganda na ang ating ekonomiya. Dahil marahil sa walang humpay na kampanya ng Philippine National Police laban sa droga at korapsiyon kaya unti-unting bumabalik ang tiwala ng mga investors, ngunit may kaakibat ito na  abala na ikinaiinit ng inyong ulo sa pagbabagtas ng mga lansangan. Pangunahing problema ay ang pambabarumbado ng mga tusong motorista na luma­labag sa batas trapiko, idagdag pa ang pagi­ging pasaway ng mga bus, jeepney, taxi at UV Express na bumabalagbag sa pagbaba at pagsakay ng mga pasahero sa kalye. Hindi na ngayon kinakatakutan ng mga drayber ang mga MMDA constables ni Chairman Tim Orbos­ kasi nga karamihan sa mga bus, taxi at UV Express operators ay may mga padrinong pulis at matataas na opisyal sa administrasyon ni Pres. Rodrigo­ Duterte. Pasok na kaya ang tara sa mga sipsip kay Digong­? Hehehe!

Ang mga pampasaherong jeepney ay may banderang hawak din sa pamahalaan dahil oras na walisin sila sa kalye siguradong paralisado na ang biyahe sa kanilang “tigil pasada” protest. Ayaw kasi nila ng pagbabago kaya nagmamatigas sila sa panawagan ng pamahalaan. Kung sabagay may katwiran naman ang mga jeepney operators dahil karamihan sa mga jeepney ay sariling pundar lamang ng mga nakakaalwan nating mga kababayan. Ang mga pampasaherong jeepney ay asimbol at surplas lamang ang mga piyesa kung kaya  mura lamang ang halaga, iyon nga lang mauusok at sirain di tulad ng mga UV Express na mababango at aircon na garantisadong bago at gawa ng mga kilalang car manufacturer. Kaya ang paghihigpit sa mga jeepney ay sinamantala ng ilan nating mga kababayan na makapaghanapbuhay. Ito ang dahilan kung bakit dumami ang mga SUV sa kalye dahil ito ang nakaambang pamalit sa mga bulok  at pupugak-pugak na jeepney. 

Ang masakit nito dumami ang colorum na SUV sa ngayon dahil ningas-kugon lamang ang operasyon ng mga tauhan ni Department of Transportation (DOTr) Sec Arthuro Tugade, PNP Highway Patrol Group (HPG) chief C/Supt. Antonio Gardiola at Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Tim Orbos. Halata naman na sa tuwing may operasyon ang mga tauhan ni Asec. Edgar Galvante ng Land Transportation Office at LTFRB chairman Martin Delga nakapagtago na ang mga colorum dahil may mga kontak ang mga ito sa mga naturang ahensiya. Kaya tuloy ang hinala nitong aking mga kausap na may mga kakutsaba ang mga tauhan ni Tugade na hindi niya natutumbok. Hehehe! Ito ang matagal nang inirereklamo ng mga lehitimong jeepney, bus, taxi at UV Express operators. Kasi hindi matigil-tigil ang pananamantala at pakikipag-agawan ng mga colorum sa mga pasahero sa kalye.

Paano naman masasawata ni Tugade, Orbos at Gardiola ang mga colorum na van kung ang nasa likod nito o yung mga nagmamay-ari ay mga pulis at matataas mismo na opisyal ng pamahalaan? Kung seseryosohin lamang ang paghagupit sa mga colorum, madali lang  silang matumbok dahil nakatago sila sa mga parking ng mga mall, gasolinahan at mga pribadong parking area sa Metro Manila. Iyan ang tututukan ko mga suki. Abangan!

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with