^

PSN Opinyon

Opisyal na reklamo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Parating na ang dalawang TC-90 na eroplano na pauupahan ng Japan sa bansa. May tatlo pang parating sa susunod na taon. Ang mga eroplanong ito ay magagamit sa pagbantay ng karagatan. Mas malayo ang mararating kumpara sa ginagamit ng AFP ngayon. Ang gusto ng Japan ay maging malakas ang bansa sa pagpahayag na ang karapatan sa Panatag Shoal at sa ibang isla sa South China Sea ay pag-aari natin, tulad ng ginagawa ng ibang bansa. Hindi armado ang mga eroplano dahil trainer lang ito at labag din sa Saligang Batas ng Japan ang magpaupa ng armadong kagamitan sa ibang bansa. Pero malinaw ang pakay ng Japan --- gamitin ang mga eroplano para mabantayan ang mga lugar na may karapatan ang Pilipinas sa ginagawa ng China.

Matunog ngayon ang usapin hinggil sa plano ng China na magtayo na ng istruktura sa Pa­natag Shoal, at ang katayuan ni Pres. Rodrigo Duterte na tila kibit-balikat na lang. May mga nagsasabi na tila isinuko na ni Duterte ang Panatag Shoal, at ang anumang karapatan ng Pilipinas sa karagatan, kapalit nang malaking tulong-pinansyal na natatanggap umano ng bansa mula sa China. Nagpahayag na wala siyang magagawa anuman ang gustong gawin ng China sa Panatag. Hindi kayang tapatan sa digmaan ang China. Mauubos daw ang mga sundalo at pulis natin.

Wala namang argumento na hindi kayang tapatan ang China sa digmaan. Pero digmaan lang ba ang solusyon? Dinala nga ng bansa ang laban sa pandaigdig na korte, kung saan nanalo ang Pilipinas. Ang problema, bukod sa hindi nirerespeto ng China ang desisyon, wala ring paraan para ipatupad ang desisyon. Ang mga umasa na susunod ang China sa desisyon ay nabigo lang. Idinadaan na lang sa lakas ng militar, at tila suko na nga si Duterte. Ang dapat daw ay maghain ng opisyal na reklamo sa China, at huwag ipaalam na “wala namang magagawa”. Pero wala naman yatang gagawa niyan nang walang basbas mula sa Presidente.  

Ano ang magiging silbi ng mga eroplanong pauupahan ng Japan kung hindi papayagan ni Duterte na lumipad sila sa Panatag Shoal para bantayan at baka magalit ang China? Sa nga­yon, naghihintay pa ng opisyal na utos ang AFP mula sa DND at sa Palasyo para magpatrol sa Benham Rise, matapos malaman na lumalayag na pala ang mga barko ng China roon, na may pahintulot naman daw ni Duterte, na hindi alam ng DFA at DND. Ayon sa Palasyo, hindi isinu­suko ng Pilipinas ang karapatan sa Panatag Shoal. Ako rin nalilito.

vuukle comment

PANATAG SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with