^

PSN Opinyon

Moral Recovery program ni Sen. Leticia R. Shahani

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa harap ng pagpapatuloy ng mga katiwalian sa pamahalaan, ano na kaya ang nangyari sa programa ng pamahalaan na kung tawagin ay “moral recovery program­?”

Sinimulan ito noong panahon ni Presidente Fidel Ramos at isinulong ng kanyang yumaong kapatid na si Sen. Leticia Ramos Shahani sa Senado para maging isang isinabatas na programa.

Si Shahani, na ipinasundo na ng Maykapal kama­kailan, ang siyang pangunahing nagsulong sa naturang­ programa para maging institutionalized bilang pundas­yon sa pamamalakad sa pamahalaan. Layunin nito na ilakip sa mga programa ng pamahalaan ang mga ethical­ values, at ikintal sa puso ng bawat naglilingkod sa pamahalaan, opisyal man o ordinaryong kawani ang  takot sa Dios.

Naalala ko pa, nagkaroon ng mga bible studies sa mga ahensya ng pamahalaan, higit-lalu na sa Philippine National Police (PNP) at sa militar. Nagkulang kaya ng pagpupursigi sa panig ng gobyerno para epektibong maipagpatuloy ang mga simulain ng programang ito?

Kasi, tila sa paglipas ng panahon ay lalung naging talamak ang korupsyon sa pamahalaan, particular sa pulisya na nadadawit pa sa mga sari-saring krimen gaya ng droga, kidnapping at carnapping.

Isang bagay ang napatunayan natin sa pagkabigo ng programang ito: No one can legislate morality and righteousness. Maaaring magpatibay ng mga batas na dapat sundin, pero madalas ay hindi pa rin nasusunod dahil sa likas na kasamaan nating mga tao.

Kaya marahil may Presidente tayo ngayon na ang ginagamit ay karahasan na at pananakot sa mga masasamang loob. Pero ang tanong ay, tinatablan nga kaya ng takot ang mga kriminal o lalu silang lumalala?

vuukle comment

FIDEL RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with