^

PSN Opinyon

BGC, pag-aari na ng Taguig City

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Naglundagan sa tuwa ang mga taga-Taguig matapos katigan ng Court of Appeals na ang Bonifacio Global City ay pag-aari ng Taguig City. Kung nagbubunyi man ngayon ang mga residente roon naiwan namang tulala at nakanganga ang mga taga-Makati City. Kasi nga, mula nang umarangkada sa pag-asenso ang negosyo at kalakalan ng BGC dahil sa magandang pamamalakad ng mga Cayetano’s ay saka naman ito pinag-interesan ng mga gahaman, ngunit ngayon natuldukan na ito ng CA. Kaya siguradong lalong yayabong ang pamumuhay ng mga taga-Taguig dahil wala nang balakid sa kanilang lupain. Di ba mga suki? Ayon sa aking mga nakausap ang Taguig City ang  tunay na nagmamay-ari at nakasasakop sa Bonifacio Global City (BGC) sa pagpapatotoo ng Court of Appeals.

Sa 17-pahinang resolution na sinulat ni Associate Justice Edwin Sorongon ng CA na inilabas nitong Marso 8, pinaboran ng appelate court ang motion to dismiss ng Taguig at pinagtibay ang desisyon ng Pasig Regional Trial Court dahil sa paglabag ng Makati sa forum shopping rules sa kaso nang pinag-aagawang BGC. Kaugnay nito, sinaalang-alang din ng CA ang naging desisyon ng Supreme Court kamakailan ukol sa hatol na guilty laban sa Makati dahil sa ginawa nitong “willful and deliberate forum shopping.”

Ayon pa sa korte, hindi sapat ang mga ebidensiya ng Makati upang malaman kung ang ginawa nilang aksyon ay “a by-product of mere thoughtlessness or negligence but willful and deliberate act of forum shopping.” Ikalawang beses na ito na nahatulang guilty ang Makati sa pagsasagawa ng forum shopping. Nagsimula ang kaso ng pag-aagawan sa BGC noong 1993 nang mag-file ang Taguig ng kaso sa Pasig RTC laban sa Makati na nauwi sa pagpabor ng korte sa Taguig noong Hulyo 2011. 

Bilang sagot, sabay na nagsampa ng motion for reconsideration sa RTC at annulment of judgment sa CA ang Makati kung saan ibinasura ng RTC ang kanilang mosyon na naging dahilan upang magsampa ulit ito ng apila sa CA habang nakabinbin pa ang kaso nitong annulment of judgment. Naging daan ang mga aksiyon na ito ng Makati upang iakyat ng Taguig ang kasong forum shopping sa Supreme Court dahil sa pag-abuso ng Makati sa legal na proseso kasabay ng paghahain ng motion to dismiss sa CA kontra sa mga apila ng Makati. Itinuturing naman ni Mayor Lani Cayetano na panalo ng mga taga-Taguig ang naging desisyon ng CA.

Ipinaaabot din ni Cayetano ang pakikipagkaibigan sa Makati. “Nais ng Taguig na makipagtulungan sa mga karatig nitong lungsod. Mayroon tayong pare-parehong mga hamon at kailangan ng publiko ang ating serbisyo. Matutugunan lamang natin ito kung tayo ay magtutulungan,”. Tiniyak ni Mayor Lani sa mga taga-Taguig na dahil dito ay mas lalong pag-iigtingin at maipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang mga programa nito gaya ng 625 milyong scholarship program, 24/7 na super health centers, door to door programs tulad ng doctor-on-call, home care at libreng gamot. Sinigurado rin ni mayor Cayetano sa business sector sa BGC na patuloy ang mababang tax, business-friendly at red tape free ang Taguig City.

 

vuukle comment

BGC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with