^

PSN Opinyon

Yayakapin kita hanggang kamatayan

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Ngayong Valentine’s day at magpakailan man

Iniibig kita sintang paraluman

Pag-ibig na ito’y walang katapusan

Pagka’t tataglayin hanggang kamatayan

 

Kung wala ang buwan at napakadilim

Dala ko sa puso masidhing damdamin

Kaya sa karimlang may lambong na itim

Nasa aking diwa ang iyong luningning

 

Madugo ang aking landas na tinatahak

Sapagka’t ang bayan ay mapapahamak

Kaya sa labanang dugo’y dumadanak

Ang iyong larawan ang bandilang hawak

 

Sa malayong bayang kinaroroonan

Taglay ko sa puso ang iyong kariktan

Sa aking pagtulog sa aking higaan

Nasa diwa ko rin ang iyong kagandahan

 

Di ka nawawalay sa aking gunita

Aliw ka ng puso tanglaw ka ng diwa

Sa pagtatrabaho’t sa lahat ng gawa

Kasama rin kita magandang diwata

vuukle comment

VALENTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with