^

PSN Opinyon

The Law applies to All or none at All !

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga reklamador sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  na drawing at pa - guwapo effect diumano lamang ang mga tirada ni OIC MMDA chairman Tim Orbos sa kanyang mga istilo sa ahensiyang kanyang ginagalawan dahil puro pangakong napapako ang kanyang mga promises na tutuldukan niya ang malalang traffic na nararanasan nang mga madlang taga - Metro - Manila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kaya ni Orbos na resolbahin ang malalang traffic sa mga kalsada lalo’t aminadado siyang hindi ito sinusunod ng mga malatubang MMDA traffic enforcers?

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi bago si Orbos sa MMDA dahil panahon pa ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino umano siya todits?

Ayon sa bulong, si Orbos ay diumano’y planning official sa MMDA kaya kapado na rin niya at amoy ang mga taga-tanggapan niya sa ngayon? Hehehe!

Kambiyo issue, may mga reklamador na nagwawala the other day tungkol sa ‘exemption’ sa number coding na iniisyu si Orbos sa ibang ‘chosen few’ na may-ari ng mga sasakyan.

Ika nga, hindi patas!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bawal, dapat bawal iyon ang pairalin hindi iilan lang ang nabibigyan ng grasa este mali gracia pala ni Orbos pagdating sa usapin ng exemption.

Sabi nga, the LAW APPLIES TO ALL OR NONE AT ALL ! Tama ba, Tim?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 5,000 daw ang asking for exemption para sa number coding ang hindi na mabibigyan porke ipinahinto na raw ni Orbos ang pagbibigay todits.

Ika nga, ang mga nakakuha noon bago mag-2017 ay ‘renewable.’

‘Ang mga nabigyan noong 2016 ang papayagan mag-renew nang kanilang exemptions at iyong ngayon pa lamang kukuha ay hindi na mabibigyan .’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Buti nga!

Bakit may ganito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pantay-pantay ang trato sa madlang pinoy kapag bawal dapat bawal kaya nga may batas tayo sa Philippines my Philippines ang hindi sumunod ay pinarurusahan maliban na lamang umano sa mga malalakas?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Tungkol sa exemption sa mga media dapat lang sila magkaroon nito dahil 24/7 ang trabaho nila sa kalye at hindi biro ito para mapatunayan at hindi duda ang MMDA na ‘totoong’ reporters sila dapat may ‘accreditation’ ang mga office nila para maglaman kung hindi sila hao-shiao dahil hindi biro ang trabaho nila. Sila ang naghahatid ng mga importanteng balita para sa madlang people sa Philippines my Philippines.’ sabi ng kuwagong ayaw magbasa ng dyaryo. Hehehe !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iyong ibang binigyan ng exemption dapat silang pangalanan at kung sinu-sino sila. Tama ba, Tim?

Ika nga, walang mayaman o mahirap, bata o matanda, bakla o tomboy dapat pantay-pantay traffic ang pinag-usapan para ito lumuwag at hindi ang palakasan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang hindi ata alam ni Tim kung ilan lamang ang mga ‘media marked vehicles’ ng mga dyaryo, TV at radyo at kung ilan ang mga reporters nito na nagta-trabaho 24/7 lalo’t kung may mga sakunang nangyayari tulad ng patayan, sunog, bagyo, echetera,echetera.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan sa mga media men ay gamit ang kanilang mga private vehicles pagdating sa kanilang media works oras ang importante sa kanila at balita.

Ika nga, skopan, ang name of the game sa media ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang trabaho ng media paris din ito ng doktor, pulis, sundalo at bumbero dahil sila rin ang mga kauna-unahan madlang people na unang tumatakbo sa scene.

‘Ano sa palagay mo Tim?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat huwag drawing ang trabaho para makatulong sa malubhang trapik unahin kasi ni Orbos ang pagpapa-alis sa mga sasakyang nasa bangketa na ginagamit na talyer at paradahan ng kanilang ginagawang vehicles.

‘Kaya tuloy ang madlang people ay wala hirap ng makadaan sa bangketa kaya tuloy sa kalsada na sila naglalakad na minsan ay nakaapekto ito sa daloy ng trapiko at ang mga sasakyan pang nagpapagawa sa kanila oras na puno na ang bangketa sa kalsada nakabalagbag.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang halimbawa ang West Avenue dyan sa Kyusi ang kahabaan nito from EDSA going to Quezon Avenue ay deklaradong ‘Mabuhay Lanes’ tulad ng mga signage sa mga poste dito.

Sabi nga, tulad ng Atoy’s Customs Auto Shop at marami pang iba. Day and night paradahan ang bangketa?

Bakit hindi ito sinisita ng Barangay?

‘Ano sa palagay mo, Orbos ?’ tanong ng kuwagong nilalagyan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pairalin ng MMDA ang Republic Act 9146 o ang Land Transportation and Traffic Code of the Philippines my Philippines.

Ano ang ibig sabihin?

Sagot - nasa Section 52 ng Article 5, na ipinagbabawal sa batas ang ‘driving or parking on sidewalk.’

Sabi nga, no person shall drive or park a motor vehicle upon or along any sidewalk, path or alley not intended for vehicular traffic or parking!

Ayos ba!

Abangan.

 

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with