^

PSN Opinyon

Tungkulin ng puso

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Ang puso ay tumitibok, pumipintig

Kung minsa’y mabagal kung minsa’y mabilis;

Kapagka dinama sa tapat ng dibdib

Parang nagwawala kung nasa panganib!

 

Ang puso’y tahimik sa kanyang pagtibok

Kung kapayapaan ang nasa ng loob;

Subali’t kung ito ay saklot ng takot -- 

Ito’y madaramang malakas ang kabog!

At saka ang puso kapag nagmamahal

Nag-uutos ito na magpakabanal;

Bawat pintig nito’y iisa ang pakay -- 

Makamit ang puso ng diwatang hirang!

 

Kung ang pintig nito’y marubdob na nasa

Na ang ating bayan ay maging malaya

Ito’y parang bulkang sasabog na bigla’t

Kanyang kakalangin taling tanikala!

 

Kung biglang bumagal ang tibok ng puso

Ang ibig sabihi’y maysakit na ito;

Kailangan niya’y doktor na matalino

At hindi quack doctor na pera ang gusto!

 

Ang pintig ng puso kung sobrang mabilis

K’werdas ng buhay mo’y baka mapapatid;

Kaya ang mabuti’y huwag kang mag-isip

Na ang iyong buhay ay baka umidlip!

 

Ang puso ng tao’y karugtong ng diwa

Kaya ang isipi’y positive na nasa;

Iyang kamataya’y darating na kusa

Kung ito ang siyang sa iyo’y tadhana!

vuukle comment

PUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with