^

PSN Opinyon

Bansa umaasa lang sa overseas padala

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KALUNOS-LUNOS ang kalagayan ng dose-dosenang overseas Filipino workers na sinibak sa trabaho sa Middle East. Ipinakita sa telebisyon kamakailan ang paghahalungkat nila ng mga basurahan sa Saudi Arabia para may makain. Bahagi sila ng mahigit 8,000 OFWs na biglang pinalayas sa mga kumpanya. Ito’y nang magputol ng gastusin ang Saudi government nang bumagsak ang presyo ng krudo. Pinagkaitan sila ng separation pay; ni wala silang pamasahe pauwi sa Pilipinas.

Pampalubag-loob lang sa mga kaawa-awang OFWs na ilipad sila pauwi nang libre. Wala namang nakahandang hanapbuhay sa kanilang pagbalik sa bansa. Pangmatagalang solusyon ang pagpapaunlad ng ekonomiya, para hindi na kailangang mangibang-bansa pa ang Pilipino para kumita.

Hunghang ang patakarang overseas employment. Sinimulan ito sa ilalim ng martial law ni Marcos bilang panandaliang pagpapa-empleyo sa mga skilled workers at professionals. Pero makalipas ang apat na dekada at limang Pangulohan, naging permanenteng patakaran na ng gobyerno na magdispatsa ng OFWs. Mahigit 30% ng kita ng bansa sa exports ay hindi sa mga bagay tulad ng semiconductors kundi sa padala ng OFWs. Samantala, ang konting iniunlad ng ekonomiya ng bansa ay napunta sa 1% lang ng populasyon -- ang oligarkiya na pinayayaman ng bulok na sistema ng mga bulok na politiko.

Kung totoong pagbabago ang taglay ng Duterte admin, rerepasuhin nito ang patakarang overseas employment. Itatatag nito ang steel industry, na magbubunsod ng iba pang industriya at pabrika, na mag-eempleyo ng milyon-milyong Pilipino. Manganganak ito ng maliliit na negosyo. Magkakahanapbuhay ang lahat. Hindi na isasapalaran ng Pilipino ang buhay sa abroad para lang buhayin ang pamilya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

MIDDLE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with