^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itapon sa malayo ang mga ‘kotongero’

EMOTE NG PABEBE - Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itapon sa malayo ang mga �kotongero�

MADADAGDAGAN na naman ang bilang ng mga pulis nang ipresenta noong Miyerkules sa Camp Crame ang 700 recruits. Nanumpa na sila sa tungkulin at nakatakda nang ideploy sa iba’t ibang lugar sa bansa. Dumami umano ang nais na maging pulis mula nang maupo sa puwesto si Pres. Rodrigo Duterte. Ngayon lamang umano dumami ang recruits. Siguro’y dahil nadama nila na malaki ang malasakit ni Duterte sa mga pulis. Mula nang maupo si Duterte, pawang pagmamalasakit sa mga pulis ang kanyang ipinakita. Nadalaw na halos lahat niya ang police headquarters sa buong bansa. Itinaas niya ang sahod ng mga pulis at binigyan pa ng service firearms. Nangako rin si Duterte na ipagtatanggol ang mga pulis na makakasuhan dahil sa pagtupad sa tungkulin lalo pa’t may kaugnayan sa pag-aresto sa mga drug suspect.

Pero kung gaano kaamo at kabait si Duterte sa mga pulis, mabangis din naman siya kapag nasangkot sa katiwalian ang mga ito. Hindi niya mapapatawad ang mga “bugok” na pulis na mistulang mga “anay” na sumisira sa PNP. Parurusahan niya ang mga pulis para matikman ng mga ito ang bigat ng ginawang kasalanan. Ang parusa niya sa mga pulis na nangongotong ay itapon ang  mga ito sa malalayong lugar.

Ang apat na pulis mula sa Quezon City Police District (QCPD) ang unang nakatikim ng bangis ni Duterte nang ipag-utos nito na itapon ang mga ito sa Autonomous Region in Muslim Min-danao (ARMM). Ang apat na pulis ay inakusahang nagnakaw ng P31,000 sa isang motorista noong Nobyembre 12. Ayon sa lalaking biktima, hinarang siya ng mga pulis sa Commonwealth Avenue at pinababa. Hinalughog ang kanyang sasakyan. Nakitaan siya ng itak sa compartment. Tinakot siya na makukulong ng 12 taon dahil sa itak. Hiningan siya ng pera at pinaalis na. Pero nadiskubre niya na ninakaw pala ng apat na pulis ang kanyang P31,000 na pambayad sa ospital para sa panganganak ng kanyang misis. Sinampahan niya ng kaso ang mga pulis na sina: PO2 Teodoro Morales, PO2 Drazen Calix Banatao, PO1 Juan de Asis Jr., at PO1 Philip John Laylo, na mga nakatalaga sa Tactical Moto-rized Unit ng QCPD, sa Camp Karingal.

Nararapat lamang na itapon ang apat na “bugok” sa ARMM. Ganito rin ang gawin sa iba pang pulis na mangongotong.

vuukle comment

CAMP CRAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with