^

PSN Opinyon

Palpak sa MRT-3 bakit nananatili?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

POLITICAL appointee ni noo’y-transport secretary Joseph Abaya si MRT-3 general manager Roman Buenafe mula Dis. 2014. Kaiskuwela si Buenafe nina Abaya at political appointee na LRTA chief Honorito Chaneco. Walang alam si Buenafe sa railways. Ang una nilang ginawa nu’ng Enero 2015 ay doblehin ang pasahe sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3. Ito’y bagamat kahihingi pa lang nila noon sa Kongreso ng bilyun-bilyon-pisong budget para sa operation and maintenance ng tatlong railways.

Kakutsaba ni Abaya si Buenafe sa maanomalyang pagkontrata sa Busan Transport ng Korea at apat na Pili­pinong dummies. Napakalaking halaga nito, P4.25 bilyon, pero walang public bidding, secret negotiations lang. Kasi mga ka-Liberal Party ni Abaya ang brokers na sina Eugene Rapanut at Marlo dela Cruz. Palpak ang maintenance ng Busan et al. Ni hindi nag-iimbak ng spare parts para sa periodic maintenance ng mga bagon, riles, power supply, signaling system, at mga istasyon. Kaya tuloy araw-araw ay may breakdown sa railways.

Kakutsaba rin ni Abaya si Buenafe sa pagtanggap ng mga palpak na bagon ng binili sa China nang P3.8 bilyon. Ni isa sa walong nadeliber na bagon ay hindi natest-run nang 5,000 km, at walang mga automatic train protector kaya hindi mapaandar nang matiwasay.

Nangampanya si Buenafe laban kay Rody Duterte, na labag sa Omnibus Election Code. Pinanatili siya sa puwesto ni bagong DOTr U-Sec Noel Kintanar. Kaiskuwela rin ito ni Buenafe. Bago sumapi sa DOTr, si Kintanar ang umakda ng maanomalyang kontrata ng LRT-1 extension sa Bacoor. Ni wala pang nagagawa ang kon­tratista ay babayaran na nang P7.5 bilyon. Mabuti na lang at nabulgar, kaya naudlot.

Kumuha ng isa pang kaiskuwela si Buenafe bilang executive aide, si Joel Erestain. Fraternity brod ito ni Rapanut, isa pang “koneksiyon.”

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

MRT 3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with