^

PSN Opinyon

Digong takot sa multo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG dahilan daw kung bakit ayaw tumira sa Malacañang ni President-elect Rodrigo Duterte ay sapagkat may mga “multo” na gumagala doon.

Iyan daw ay ikinuwento mismo kay Duterte ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na dating miyembro ng first family noong panahon pa ni yumaong Presidente Ferdinand Marcos. Siguro nga, may personal na karanasan sa mga momo si Imee dahil matagal siyang nanirahan sa palasyo ng Malacañang.

Maaaring may naikuwento ngang ganoon si Imee kay Digong pero hindi ako naniniwala na takot ang President-elect na tumira sa Malacañang dahil doon.

Eh kung sa mga haragang kriminal ay hindi siya nasisindak, sa multo pa kaya? Pero tiyak ko na naniniwala si Duterte sa multo dahil marami sa mga iyan ay naka-payroll pa sa gobyerno at pagkalaki-laki ng suweldo. Yung mga kumukubra lang ng pera sa pamahalaan kapag akinse at katapusan. Bukod sa mga iyan ay mayroon pang tinatawag na “ghost projects” o mga programa ng pamahalaan na tayo ang nagbabayad pero  hindi naman nakikita ng taumbayan.

Kung pagtutuunang pansin ni Duterte ang pagsugpo sa shabu at iba pang kriminalidad, pakisama na rin sana ang pagsugpo sa mga “multong” ito na nag­li­pana sa pamahalaan.

Kawawa naman tayong mga ordinaryong pamahalaan na katakut-takot na buwis ang binabayaran pero ang nakikinabang ay yung mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Ilang araw na lang at may bago na tayong administrasyon at nawa’y totohanin ni President Digong ang pangako na darating na ang pagbabago. Pagbabago para sa ikabubuti ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.

vuukle comment

LBC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with