^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bangis ng dengue at leptospirosis

Lawrence Agcaoili - Pilipino Star Ngayon

TAG-ULAN na. Ito ang dineklara ng Philippine Atmos­pheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong naka­raang linggo.

Tuwing hapon at sa gabi ay nararanasan na ang pag-ulan at ito ang palatandaan na pumasok na nga ang rainy season. Ayon sa PAGASA, asahan na ang sunud-sunod at malalakas na pag-ulan sa mga susunod na araw. Ayon pa rin sa PAGASA, 17 bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong taon.

Kung pumasok na ang tag-ulan, tiyak na ang pagbaha at mananalasa na rin ang mga sakit na dala nito. Tiyak nang lalaganap na naman ang dengue at leptospirosis. Ang dalawang sakit na ito ay lubhang delikado at dapat mag-ingat ang mamamayan.

Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti. Mabilis dumami ang mga lamok na ito. Madaling makikilala ang Aedes Aegypti dahil batik-batik ang katawan. Kadalasang sa araw ito nangangagat. Karaniwang biktima ng lamok ay mga bata. Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo at kasu-kasuan at pagsusuka.

Ang paglilinis sa kapaligiran ang panlaban sa mga lamok na may dengue.

Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at marami pang iba na paboritong tirahan ng mga lamok. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig.

Ang leptospirosis ay nakukuha kapag naglakad sa baha ang taong may sugat sa paa o binti. Kung may sugat, posibleng dito pumasok ang mik­rob­yong leptospira na nagdadala ng leptospirosis.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Karaniwang lumalabas ang sintomas makaraan ang pitong araw. Kaila­ngang dalhin agad sa doktor ang biktima sapagkat ma­aari itong mamatay.

Magtulung-tulong sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga.

Mag-ingat sa dengue at leptospirosis na nana­nalasa ngayong tag-ulan.

vuukle comment

BANK LENDING

BSP

INTEREST RATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with