^

PSN Opinyon

“Swerteng Prinsipe”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KUNG MADILIM ang iyong paligid, pilitin mong tignan ang tamang daan upang ikaw ay makadaan.

“Natulog ako sa parking lot at pumapasok sa mall para maka­inom ng tubig. Kung saan-saan ako nagpunta ,” sabi ni Florida.

Una naming naitampok ang tungkol sa paglapit sa amin ni Marilou Paramio sa naging problema ng kapatid na si Florida Ellar sa Qatar.

Nakasuhan daw ng ‘travel ban’ si Florida dahil tumakas ito sa amo at sumuko sa Qatar Deportation. Agad na binayaran ni Florida ang hini­hingi sa kanya pero matapos ang dalawang buwan di pa siya nakakauwi.

Naisipan na ni Marilou na lumapit sa amin at agad naman kaming nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) kay Usec. Rafael Seguis at sa Embahada natin sa Qatar.

Ilang araw ang nakalipas sumagot sa amin si Consul General Cotawato Arimao at nagbigay ng petsa kung kailan makakauwi si Florida.

Ika-pito ng Disyembre 2015 nang makabalik ng Pilipinas si Florida.

Kwento ni Florida may nakilala raw siyang taga Cavite na nag­ngangalang Mary. Kung interesado siyang maging ‘sales lady’ sa Qatar.

“Single mother ako at kailangan ko ng mapagkakakitaan nag­desisyon akong umalis nung April 16, 2013,” salaysay ni Florida.

Ang gamit niya raw nun ay Business Visa at wala siyang kaalam-alam kung bakit ito ang kanyang hawak. Hindi na siya nagtanong dahil ang iniisip niya ay makaalis at ang kausap na niya ang bahala sa lahat.

Sinundo siya sa airport ng Qatar ng staff ng ahensya doon at may dalawa ring Pilipina ang sumalubong sa kanya.

“Nagulat na lang ako nang dalhin ako sa isang bahay na may tatlong bata kasama ang ina ng mga ito na single mother. Dun na ako natakot dahil wala sa usapan namin yun,” ayon kay Florida.

Isang linggo siyang kinukulong sa bahay. Ipinagbawal din ang cellphone para makapangumusta sa kanyang pamilya.

“Hindi ko kinaya nagpabalik ako sa agency. Magtatrabaho raw ako sa opisina nila bilang tea girl,” salaysay ni Florida.

Mas lumuwag ang pakiramdam niya dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makausap ang pamilya sa Pilipinas. May nakalaan ding bahay para sa kanya sa likod lang ng bahay ng manager.

Halos isang buwan siyang nagtitimpla ng kape sa lahat ng kliyente at staff. Naglilinis din siya dun at gumagawa ng ilang ‘paper works’.

“Bigla na lang akong kinausap ng manager at sinabing ipapadala ako sa Egyptian Family. Isang linggo daw ako dun,” sabi ni Florida.

Ang isang linggong ipinangako sa kanya ay naging buwan hanggang sa may balitang nakarating sa kanya na may kasamahan siyang ginahasa umano ng manager ng ahensya.

Natakot si Florida na mangyari yun kaya’t tatlo silang nagbalak na tumakas. Pagbalik niya ng ahensya kinuha ang cellphone, pera, ilang gamit at nalaman ang balak nila. Hindi niya na nakita ang isang kasama.

“Hindi kami nagpaawat nung biktima. Alas tres ng madaling araw ng umalis kami. Naghiwalay lang kami dahil gusto na niyang umuwi sa kanila. Ako naman 50 Riyals lang ang pera ko,” sabi ni Florida.

Naranasan niyang matulog kung saan-saan. Limang araw siyang ganito ang sitwasyon. Isang linggo ang nakalipas nang mahuli siya ng ahensya at tinakot siyang ipapadampot sa pulis kung hindi siya sasama rito.

Nakita niya yung isa sa nagsundo sa kanya sa airport at kinwento niya ang lahat. Ibibigay daw siya sa Turkish na kaibigan at Pilipina ang asawa.

“Sabi ko babayaran ko kung magkano ang ginastos niya. Gusto ko ng umuwi. Hindi sila pumayag. May sumundo sa ‘kin na lalaki. Inasahan kong ang Pilipina ang tutulong sa ‘kin,” ayon kay Florida.

Mabait ang Pilipina pero ang bayaw nito ang problema. Ginahasa siya nito sa kanyang tinutulugan. Hindi siya makapagsumbong dahil isang araw pa lang siyang nandun.

Umabot siya ng tatlong buwan bago niya napagpasyahang sabihin sa amo na babayaran niya na lang ang nagastos ng amo sa ahensya. Hiniling niya din dito na mabigyan siya ng sulat na makapagtrabaho siya sa iba.

“Natuwa ako nung pumayag. Tinawagan ko ang kapatid ko at nanghiram ako ng Php50,000 dahil 12,000 Riyals ang sinisingil sa ‘kin,” sabi ni Florida.

May magandang trabaho sanang nakalaan sa kanya pero hindi siya pinayagan nito na magpunta sa ‘final interview’.

Napagpasyahan ni Florida na tumakas ulit at sumuko sa embahada. Nagtiwala siya sa kanyang sponsor. May tumulong sa kanya na makakuha ng isang kwarto at makapasok ng trabaho kahit part time lang.

“Napunta ako sa maayos na amo hanggang sa hingan  ako ng mga dokumento. Napag-alaman ko na Prinsipe ang naging amo ko. Hindi ko siya nakikita at ang tauhan niya lang nakakausap ko,” wika ni Florida.

Inamin niya na din sa mga ito ang tunay niyang sitwasyon at naawa naman ito sa kanya. Tumagal siya ng tatlong taon dun.

“Nagpasya siyang ayusin ang mga dokumento ko at dadalhin ako ng Greece. Nung nagbakasyon sila dun sumuko ako sa deportation dahil nahihiya na ako sa tulong na ibinibigay nila,” salaysay ni Florida.

Tumagal siya ng tatlong buwan sa deportation at naging Mayora na. Travel Ban ang kaso niya. Kailangan niya raw magbayad ng 7,000 Riyals.

Bumaba ito ng 5,000 Riyals at nabayaran niya. Humingi siya ng tulong sa mga kamag-anak sa Pilipinas.

Isang araw may tumawag sa kanyang taga Philippine Embassy at sinabing makakauwi na siya.

“Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo. Marami pong salamat,” pahayag ni Florida.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maraming employer sa ibang bansa na hindi nagpapakita  ng malasakit sa kanilang mga kinuhang kasambahay. Sa ilang employer at taong gumawa ng masama kay Florida nakatagpo pa din siya ng taong tutulong at uunawa sa kanya.

Nais din naming magpasalamat kay Usec. Rafael Seguis at sa embahada natin sa Qatar kay Consul Gen. Cotawato Arimao sa tulong na ibinigay nila para makauwi si Florida.

Sa halip na maging Mayora si Florida sa deportation ay kasama niya na ngayong pasko ang pamilya.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALIGN

ANG

FLORIDA

ISANG

LEFT

NIYA

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with