^

PSN Opinyon

Dumarami ang interesado

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DUMADAMI raw ang mga bumibisita sa museo ni Apolinario Mabini, ang dakilang lumpo, sa loob ng PUP campus sa Sta. Mesa, Manila. Mga gustong magkaroong ng karagdagang kaalaman hinggil sa buhay ni Mabini, siguro matapos ang dismayang pahayag ni President Aquino sa mga nagtanong kung bakit hindi raw tumayo si Mabini sa kabuuan ng pelikulang “Heneral Luna”. Maaaring marami ang nagiging interesado sa kanyang buhay, pati na rin ang kanyang kadakilaan noong panahon nagsisimula pa lang ang kalayaan ng Pilipinas.

Siguro naman alam na ng lahat ngayon kung bakit hindi siya nakakatayo. Tinamaan ng polio noong 1895. Dahil wala pang bakuna laban sa polio noon, nagpatuloy ang kanyang sakit hanggang sa hindi na magalaw ang kanyang dalawang binti. Pero hindi ito naging hadlang sa kanyang pagnanais na maging tunay na malaya ang Pilipinas. Isa siyang guro, abogado noong panahon ng Kastila. Nang maging malaya ang bansa mula sa España, siya ang naging unang punong ministro ng Pilipinas, at pinuno ng unang Gabinete at tagapayo ni President Emilio Aguinaldo. Nang matalo ang Pilipinas sa mga Amerikano, nahuli siya at dinala sa Guam. Kilala siya na kontra sa pamumuno ng mga Amerikano sa bansa. Alam ng mga Amerikano na siya ay matalino, kaya hindi siya binigyan ng pagkakataon na maging problema sa kanila, kaya dinala sa Guam. Pinabalik na lang siya sa bansa noong nangakong manunumpa na sa Amerika. Pero pagbalik niya, nagsimula ulit siya magsalita para sa kalayaan ng Pilipinas. Ang malungkot, tinamaan naman siya ng cholera dalawang buwan nang makabalik, at namatay sa edad na 38.

Malaki ang kinita ng “Heneral Luna” sa takilya. Pero sa tingin ko ang mas malaking tagumpay nito ay ang epekto sa lahat ng nakapanood. Tulad ng mga dumalaw sa museo ni Mabini, marami na rin ang mas naging interesado sa kasaysayan ng Pilipinas, kasama na ako. Tinanong ko kung may museo rin si Antonio Luna. Wala. Saan siya nakalibing? Maraming kuwento hinggil dito. Ayon sa impormasyon ngayon, hinukay ang kanyang mga buto mula sa simbahan kung saan siya pinatay para ibigay sa kanyang kapatid. Dito na medyo magulo ang kuwento. May nagsasabi na nasa La Union ang kanyang mga buto, kung saan tumira ang kanyang kapatid. May nagsasabi naman na nakalagay sa Quiapo Church ang mga buto. Ang malinaw ay hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw kung nasaan na talaga ang mga labi ni Heneral Luna, samantalang may mga rebulto at museo para kay Aguinaldo. Dito pa lang sapat na para maging interesado ang lahat sa kanyang buhay, at pagkamatay.

vuukle comment

AMERIKANO

ANG

ANTONIO LUNA

APOLINARIO MABINI

HENERAL LUNA

KANYANG

MABINI

MGA

PERO

PILIPINAS

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with