^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Walang alam sa mga bayani

Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi pa napelikula ang kasaysayan ni Gen. Antonio Luna, hindi mabubuking na may mga kabataang estudyante pala ngayon na walang alam sa bayaning si Apolinario Mabini. Nabuking ang kasalatan sa nalalaman ng mga estudyante sa kolehiyo ukol sa bayani nang may magtanong sa actor na si Epy Quizon kung bakit hindi ito tumatayo habang ginagampanan ang role ni Mabini sa pelikulang “Heneral Luna”. Noong una, inakala ng actor na nagbibiro lamang ang mga estudyante pero totoo nga palang wala alam ang mga ito sa kasaysayan ng bayani. Sa Facebook account ng actor ay may nag-comment na kaya raw hindi tumatayo­ si Epy bilang Mabini ay dahil sobra ang pagod nito.

Nalaman ni President Noynoy Aquino ang tungkol sa kasalatan ng college students sa nalalaman ukol kay Mabini. Nakadama ng pagkadismaya ang Presidente dahil ang pagkaalam niya, sa elementarya pa lamang ay itinuturo na ang tungkol sa kasaysayan ng mga bayani. Napailing-iling lamang umano ang Presidente sa nalaman na mahina ang mga estudyante sa kasaysayan. Hindi nila kilala ang taong may “kakaibang talino” sa kabila na mayroong kapansanan. Nagkaroon ng polio si Mabini kaya hindi nakakalakad. Pero hindi ito naging hadlang para mithiin na makalaya ang Pili­pinas sa pananakop ng mga Kastila at Amerikano. Si Mabini ang “utak ng Katipunan” at sumulat ng dekalogo. Kinatakutan siya ng mga Amerikano dahil sa angking talino. Ipinatapon siya sa Guam pero nang magbalik sa bansa ay ipinagpatuloy pa rin ang paglaban para makalaya sa mga Amerikano.

Ang natuklasang kahinaan ng mga college students ngayon ay dapat seryosohin ng Department of Education (DepEd). Nakakahiyang malaman na walang alam ang mga kabataan sa mga bayani. Dahil kaya salat din sa pagtuturo ang mga guro? Dahil kaya kulang din sa kasanayan ang mga guro ukol sa kasaysayan.

Hindi dapat ibalewala ang natuklasan sa “Heneral­ Luna”. Gawin itong tulay ng DepEd para maimulat ang mga kabataan na balikan ang nakaraan.

vuukle comment

ACIRC

AMERIKANO

ANG

ANTONIO LUNA

APOLINARIO MABINI

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

EPY QUIZON

HINDI

MABINI

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with