^

PSN Opinyon

‘Target: Bogus Ben Tulfo’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

IPINALABAS ng BITAG sa telebisyon noong Sabado ang episode hinggil sa bogus na BEN TULFO.  Kumag na nagtatago sa telepono. Ayaw lumutang. Ang kapal ng mukhang humingi ng pera sa mga complainant gamit ang pangalan ko at ng TULFO Brothers.

 Hindi na bago ang modus na ito. Para na akong sirang plakang paulit-ulit sa pagbibigay ng all points bulletin (APB) sa Luzon, Visayas at Mindanao pero marami pa rin ang mga nabibiktima at nalolokong maliliit na tao, negosyante, pribadong indibidwal ma-ging ang mga pulitiko.

 Nai-dokumento ng BITAG Team ang buong tran-sakyon sa putok sa buhong BEN TULFO nitong nakaraang dalawang linggo habang isinasagawa namin ang aming public service caravan sa Davao.

 Ayon sa biktimang si Conchita, nagsimula ang lahat matapos mag-post ng reklamo sa FaceBook account ng BITAG T3 ang kapatid niyang si Allan na nagta-trabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.

 Agad naman daw may nag-email kay Allan at nagpakilalang BEN TULFO. Tutulungan daw silang maisaayos ang inilalapit na problema sa lupa na pilit daw kinakamkam ng kapitan nila sa kanilang lugar sa General Santos City.

 Dahil wala sa Pilipinas si Allan, ipinagkaubaya nalang niya sa nakakatandang kapatid ang pakikipag-usap sa kolokoy. Subalit, hindi pa man nagsisimula ang pagresolba sa sumbong ng magkapatid, ang putok sa buhong BEN TULFO kuno, humingi na agad ng anim na libo.

 Makalipas ang ilang araw humirit pa ulit ang kumag. Pupunta daw siya sa GenSan para makipagkita ng personal sa mga pobreng biktima pero kailangan daw siya munang padalhan ng P3,500 para pang-renta ng gagamiting sasakyan.

 Sa silo na inihanda ng BITAG, hindi na nakapalag pa ang suspek. Ako mismo, nanghimasok na sa transaksyon. Sa takot ng gunggong na bogus na BEN TULFO, umurong bigla ang dila at nagpawis ang mga singit pagkarinig na pagkarinig palang sa boses ko.

 Panoorin sa bitagtheoriginal.com kung papaano nahulog sa BITAG ang bogus na BEN TULFO at nang malaman kung ano ang mga pagkakakilanlan at estilo ng mga manggagantso.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

vuukle comment

ABANGAN

ANG

AYAW

AYON

BEN

BITAG

GENERAL SANTOS CITY

MGA

NBSP

SAUDI ARABIA

TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with