^

PSN Opinyon

‘Ang nagulping siga’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

HUWAG kang pakasiguro sa buhay kung kaya mo sila ng harapan dapat may mata ka sa iyong likuran.

Pagkalabas niya ng bahay bigla na lamang siyang hinataw sa batok gamit ang matigas na bagay. Nahilo siya at naaninagan niyang may tatlo pang kalalakihan ang papalapit sa kanyang kinaroroonan. May hawak na kahoy ang mga ito.

“Binugbog nila ako, pinagpapalo hanggang sa mawalan ako ng malay,” pag-alala ni Allan.

Naunang manirahan ang pamilya nina Rolando “Allan” Nuestro, 52 taong gulang sa General Trias, Cavite kaysa sa grupong kanyang nakaaway.

Kwento niya nagsimula ang hindi magandang relasyon nila ng kalabang si Ronnie Liwanag nang maging asawa ng kapatid nitong si Ronnie ang kapatid ng kanyang asawa.

“Akala niya kasi ayaw ko sa kapatid niya. Ano naman ang pakialam ko sa relasyon nila,” wika ni Allan.

Mas lalong naging malayo raw ang loob nila sa isa’t-isa nang mabugbog ng kapatid ni Ronnie ang kapatid ng kanyang asawa. Nagsumbong sa kanya ang asawa kaya’t nagtungo siya sa istasyon ng pulis upang magsumbong.

Nakialam daw nun si Allan sapagkat nakita niya ring nasaktan ang kanyang asawa. Nadaganan ito ng lalaki nang umawat kaya’t napilay.

“Dinampot ng pulis ang kapatid niya. Mula nung araw na yun galit na sila sa ‘kin. Pagkaraan nagkaayos din ang mag-asawa pero yung iringan sa pagitan namin parang hindi naman humupa,” pahayag ni Allan.

Hindi na rin nakipag-usap at iniiwasan na si Allan nina Ronnie.

Hunyo 2013 alas sais ng umaga, habang papunta si Allan sa tindahan nang sinalubong siya ni Ronnie na may dala umanong kutsilyo. Nakakita ng bote ng soft drink si Allan at agad niya itong dinampot.

“Nung mamataan niyang malaki-laki ang hawak kong bote napaatras siya. Sila pa ang may ganang magreklamo sa barangay na parati raw akong lasing,” pahayag ni Allan.

Noong ika-lima ng Abril 2014, galing si Allan sa kanyang kaibigan. Nagkayayaan sana silang mag-inuman ngunit hindi natuloy. Pasado alas siete ng gabi nang pauwi siya sa kanilang bahay. Nakita niya ang asawa ni Ronnie na si Cathy na may kausap nung panahong yun. Nang paparating siya ay pumasok daw ito sa tindahan.

“Bibili sana ako ng alak ngunit nang malaman kong sila na pala ang nagtitinda dun hindi na ako tumuloy,” kwento ni Allan.

Makalipas ang ilang oras muli siyang lumabas para bumili ng yelo. May tatlo na kalalakihan siyang nadaanan at nasisiguro niyang barkada yun ni Ronnie.

“Pu7@n6 1n@ mo! Ang yabang-yabang mo!” sabi umano sa kanya ng isa sa apat na lalaki.

“Ano ba kinakagalit mo!” sagot ni Allan.

Nang hindi ito sumagot dumiretso na si Allan sa bahay nila. Muling lumabas si Allan para kausapin ang grupo. Pagkalabas niya pinukpok daw siya ni Ronnie ng matigas na bagay.

Nanlabo ang kanyang paningin at nakaramdam ng kaunting hilo. Nakita niyang may tatlo pang kalalakihan ang papalapit sa kanya na may bitbit na kahoy.

Pinaghahampas umano siya nito at pinagtulungang suntukin at sipain. Nawalan daw siya ng malay. Nang magkaulirat pinilit niyang pumasok sa bahay nila ngunit sinira pa raw ng mga nambugbog sa kanya ang kanilang pinto. Hindi umano siya nakalaban at puro sangga lang ang nagawa.

“Gusto kong lumabas at magpagamot at para na rin mai-report ang nangyari sa pulis pero nandyan pa sila sa labas ng bahay namin. Natakot ako sa kanila,” ayon kay Allan.

Ilang oras ang nakalipas may narinig na tawag si Allan. Boses ng kanilang Kapitan at ayon dito may mga pulis daw sa labas.

Pinagbintangan daw siyang lasing ng kanilang Kapitan.  Lumapit si Allan sa mga pulis para maamoy siya nito at mapaniwalang hindi siya nakainom.

Isinalaysay niya sa mga ito ang nangyari sa kanya at dinala na siya sa ospital upang masuri ng doktor.

Ayon sa resulta sa isinagawang pagsusuri ng manggagamot nagkaroon siya ng ‘linear abrasion (L) side of back measuring 12 inches long, Circular Abrasion both knuckles of hands measuring 0.5 cm in diameter, Circular Abrasion (R) anterior shin measuring 0.5 cm in diameter, Linear Abrasion (R) cheek measuring 1 inch long at Hematoma (R) parietal area’.

Pinayuhan din siya na kailangan nilang magharap sa barangay.

“Hindi kami nagkaayos kaya’t binigyan na ako ng Certificate to File Action (CFA),” ayon kay Allan.

Kasong ‘Frustrated Homicide’ ang isinampa niya laban sa nambugbog sa kanya.

Dagdag pa niya natagalan umano ang pagbibigay sa kanya ng CFA dahil hinintay-hintay pa ng kanilang Kapitan si Cathy gayung wala naman itong kinalaman sa kanilang away ni Ronnie.

Ipinasa niya na sa Prosecutor’s Office ang lahat ng mga dokumento. Hanggang ngayon wala pa raw silang patawag.

“Nagpunta ako sa kanila at nalaman kong Abril pa raw ang hearing namin. Ang tagal kong naghintay,” sabi ni Allan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Allan.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, taliwas sa sinasabi ni Allan na hindi siya nakalaban ang report ng doktor. Nagkaroon siya ng sugat sa kanyang kamao. Lumalabas na nagamit niya ito bilang pandepensa sa kanyang sarili. Maaaring nakasuntok din siya sa grupo nila Ronnie kaya maga ang mga buto nito sa kamao.

Kung natagalan man ang kaso sa barangay, hindi agad ibig sabihin na may kinikilingan ang mga ito dahil tatlong (3) beses meron ang lupon para kayo pag-ayusin. Bandang huli nakuha mo rin naman ang Certificate to File Action (CFA).

Sa kanyang reklamo na natatagalan ang ‘subpoena’ sa pandinig ng kasong ito sa Prosecutor’s Office, binigyan namin siya ng ‘referral’ kay Provincial Prosecutor Gabino Mapanoo sa Imus, Cavite.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ALLAN

CIRCULAR ABRASION

LEFT

NIYA

RONNIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with