^

PSN Opinyon

‘Rumesbak sa Girlfriend (?)’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

HUWAG KANG SUSUBOK na pasukin ang butas ng karayom baka maipit ka at hindi na maka-alis!

Tinakpan ang bibig at hinawakan ang kamay habang ang isang kasama ay hinihipo ang kanyang hita hanggang sa ari. “Ang ganda ng katawan mo, nasarapan ako’ bulong pa raw nito.

Ito ang umano’y ibinibintang sa magtiyuhin na sina Romeo Laoag, 47 taong gulang at Benjamin Laoag-30, nakatira sa Makati kaya kinasuhan sila ng isang dalagita ng RAPE.

“Nasaksak ko ang pinsan ng boyfriend niya kaya ngayon siya rumeresbak,” pahayag ni Romeo.

Ika-10 ng Pebrero 2015 bandang 7:30 ng gabi nang may mga pulis na nagtungo sa compound nina Romeo.

“Nasaan si Benjamin?” tanong nito sa kanya.

Itinuro ni Romeo ang pinto ng bahay nina Benjamin ngunit wala ito dun. Tinanong din ng pulis kung sino si Romeo at agad nagpakilala.

Nilagyan siya ng posas. Nang nagtatanong siya bakit siya hinuhuli,

‘Sa presinto na lang daw siya magpaliwanag’. Sinakay siya sa mobile habang si Benjamin naman ay hinuli sa malapit na ‘computer shop’.

“Pagkasakay ko nakita ko si Kenneth. Sabi ko anong gulo ito? Hindi din daw niya alam,” kwento ni Romeo.

Pagkarating nila sa presinto may nakita silang babae. Alam nilang girlfriend yun ni Kenneth Espino dahil magkapit-bahay lamang sila.

Ginahasa raw nila ang girlfriend nitong si Jerilyn-18 (di tunay na pangalan).

Agad silang kinulong sa presinto 9 ng Comembo, Makati

Ayon sa salaysay ni Jerilyn, na kinuha ni SPO1 Ruthlyn B. Ibañes, nangyari ang panggagahasa sa mismong loob ng bahay ng kanyang karelasyon na si Kenneth sa Comembo, Makati. Tinext daw siya nung araw na yun ni Kenneth na pumunta sa bahay nito. Dalawa lang sila dun ni Kenneth at nagpahinga sila. Ilang minuto ang lumipas lumabas si Kenneth para bumili ng pagkain.

“May naramdaman akong pumasok pero hindi ko pinansin dahil akala ko si Kenneth yun. Nagulat na lang ako nang may tumakip sa bibig ko at hawakan ang kamay ko,” ayon sa salaysay.

Sa mukha lamang daw niya nakikilala ang dalawang lalaking pumasok sa bahay. Yung lalaking nakaupo sa kanyang paanan ay sinimulan na siyang hipuan sa hita hanggang ari. Hinubad nito ang kanyang pang ibabang damit habang ang isa ay nakahawak pa rin sa kanyang bibig at kamay.

Naghubad ng shorts ang lalaking humahawak sa kanyang ari at pinatungan siya nito. Ipinasok daw nito ang ari nito sa kanya. Maya-maya nang makaraos ito, “Ang ganda ng katawan mo, nasarapan ako’.

“Sinabihan ako na magbihis ako at binitawan na rin ako ng lalaking nakahawak sa akin. Baka raw abutan sila ni Kenneth kaya umalis na sila. Binantaan pa akong papatayin kung sakaling magsumbong,” ayon sa salaysay.

Naabutan daw siya ni Kenneth na nakamukmok kaya’t nagtapat siya sa nangyari. Nang pauwi na siya nakita niya ang dalawang lalaki at itinuro niya ito kay Kenneth. Dun niya lang nalaman ang mga pa­ngalan nito. Si Romeo ang humawak sa kanya habang si Benjamin ang gumahasa sa kanya.

Hindi raw sila kaagad nagsumbong sapagkat natakot siyang totohanin ng mga ito ang banta sa kanila.

Sa una raw salaysay na ibinigay ni Jerilyn ay sinabi niyang nangyari ang panggagahasa noong ika-9 ng Pebrero 2015 kaya sila hinuli ng pulis kinabukasan. Sa van daw ito nangyari at ‘gang rape’ pa raw ito.

Makalipas ang ilang araw nagharap sila sa Women’s Desk ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at dun sinabi ni Jerilyn na talagang Enero 22, 2015 ito nangyari sa bahay ng kanyang boyfriend.

Dahil lampas na ang tinatawag na takdang oras para sa isang pag-aresto ng walang warrant, dinesisyunan ng prosecutor na ito ay hindi ‘pang Inquest Proceedings’ kundi dapat ‘regular filing’ na dapat ito.

Dahil dito kinailangan palabasin ang dalawa (Release for Further Investigation o RFI).

Pebrero 11, 2015 nang makalabas sina Romeo at Benjamin.

“Nung Enero 22, 2015 nasa trabaho ako. May nagpagawa sa akin ng kanilang gate. Handang magbigay ng salaysay ang amo ko para patunayan na nandun ako nung panahong yun,” mariing sinabi ni Romeo.

Si Benjamin naman daw ay kasalukuyang nasa ospital dahil nagkasakit  ang kanyang anak. May makukuha rin daw siyang testigo bilang katunayan na siya’y wala sa pinangyarihan ng panggagahasa.

Naisip ni Romeo na ang dahilan ng lahat ng ito ay nung nagselos siya noon sa pinsan ni Kenneth at umabot sa puntong nasaksak ito. Nadimiss na raw ang kaso niya sa pagkakasaksak.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito nina Romeo at Benjamin.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, paulit-ulit naming sinasabi na ang alibi ang pinakamahinang depensa. Kung talagang nasa ibang lugar sila nung mga panahong yun, kailangan ma i-establish na ‘physically impossible’ sila na nasa dalawang lugar sa isang petsa, oras at sandali.

Positibo silang kinilala ng biktima kaya’t mas naging matibay ang akusa sa kanila.

Nang hamunin namin yung dalawa na magpa ‘lie detector test’ (polygraph test) ang dalawa ay matapang at mabilis nila itong tinanggap.

Hiniling namin kay P/Supt. Nelissa Geronimo, ng Polygraph Division ng Crime Laboratory.

Ikaanim ng Marso 2015 nang sumailalim sila sa Polygraph Test.

Nuong ikinahapunan bumalik sila sa amin at habang nasa radio kami, nagtext si P/Supt. Geronimo ang resulta.

Lumabas na ‘SUBJECTS ARE LYING.’ Dinagdag pa nitong opisyal na totoong ginahasa nila yung dalagita.

Maaring sabihin ng abogado nila na ang Polygraph Test ay hindi tinatanggap sa korte, (or inadmissible in court) maari naman itong magamit para sa imbestigasyon.

Dahil nasa Preliminary Investigation pa lamang ang kasong ito, ang resulta rin nito ay ipapasa namin kay Asst. Prosecutor Allene Torres-Pena na maaring makatulong sa kasong kanyang sinusuri.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

JERILYN

KENNETH

LEFT

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with