^

PSN Opinyon

Mga staff ni Senador, pinagtatanggal ni Misis

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang marami pala sa mga staff ng isang senador ang naging malungkot noong Pasko at Bagong taon?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Sen. Jinggoy Estrada, Gov. Dennis Habawel ng Ifugao, Malou Cabral ng DZRH, Franklin Pagdilao, Manolo Agojo Jr., Felix Rafael Paragas at Joe Mercado ng Café de Lipa.

Alam n’yo bang Takuza pala ang isang senador kaya wala itong nagawa nang pagtatanggalin ni Misis ang kanyang mga staff bago pa man sumapit ang Pasko at Bagong Taon?

Ayon sa aking bubwit, galit-na-galit ang mga staff ni Mr. Senator kabilang na ang mga drivers at utility boys dahil hindi man lamang pinatapos ang Kapaskuhan at pinagtatanggal na sila sa trabaho.

Dahil sa ginawa sa kanila ng malditang misis ni Senator, sila ay sumumpang mangangampanya sila sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan upang hindi iboto si senator kapag itinuloy ang plano nitong kumandidatong presidente sa 2016.

Malupit pala itong mataray na misis ni Senator dahil kapag hindi ka sipsip, hindi masunurin at kapag hindi ka niya type ay tatanggalin ka sa trabaho.

May joke ngayon sa opisina ni Senator na kapag naging­ presidente raw ito, malamang na buwan-buwan ay may Cabinet revamp dahil kay misis.

Ayon pa sa aking bubwit, dahil sa pakikialam ni Misis, naasar ang Chief of Staff ni Senator at biglang nag-resign. Hindi kasi nito kasundo ang pakialamerang misis.

Dahil sa hindi magandang pag-uugali ni misis na nakikialam sa senado ay tutol na rin pala ang kaniyang partymates na maging standard bearer ng partido ang under de sayang senador.

Ayon sa aking bubwit, ang senador na walang nagawa nang pagtatanggalin ni Misis ang kanyang mga staff ay walang iba kundi si Senator F. as in Fernando.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

CHIEF OF STAFF

DAHIL

DENNIS HABAWEL

FELIX RAFAEL PARAGAS

FRANKLIN PAGDILAO

JINGGOY ESTRADA

MISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with