^

PSN Opinyon

‘Nutraceutical products’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAG-INGAT sa mga naglalabasang produktong sinasabi ng Department of Health (DOH) o ‘yung mga “nutraceutical product.”

 Dalawang salita na pinaghalo, “nutrition” at “pharmaceutical” na hindi dumaan sa pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA).

 Baka ‘yan ang sanhi ng pagbilog na parang plato at paglapad ng inyong mukha nang hindi ninyo nalalaman.

 Kung kulang ka sa nutrisyon, makukuha daw ito sa mga produktong hinaluan ng gamot o mga sangkap na ginagawang medisina.

 Sikat na halimbawa ang kape, energy drink, mga “damo-damo,” cereal at mga kauring produkto na walang pakundangang ibinibenta sa merkado.

 Ang problema, baka ang mga hinalong imported na sangkap na may medicinal value, hindi mo kailangan o hindi mo hiyang na maaaring magdulot ng sakit at allergy. Ang masaklap pa, tamaan ang iyong mga vital organ.

 Ito ang dahilan kung bakit nagbabala ang DOH sa pamamagitan ng Philippine Medical Association (PMA) nitong nakaraang linggo.

 Baka kasi nadadala kayo ng inyong mga persepsyon base sa inyong mga napapanood, nakikita at naririnig na patalastas ng kung sino-sinong mga personalidad.

 Mayroong dalawang uri ng patalastas. Ang patalastas kung saan ang nag-eendorso ay nagpapatotoo lang at ang isa naman, nagsasabi ng totoo.

 Wala namang masamang mag-endorso lalo na kung ginagamit ito ng mismong binayaran para magpatotoo sa produkto. Habang ang mga nagsasabi naman ng totoo ay yung mga simple, totoo, ‘desperado’ at maliliit na taong gumamit ng mismong produkto.

 Wala akong intensyong manira o manakot sa kolum na ito. Ang punto dito, mag-ingat sa mga nutraceutical product na agresibong ipinapatalastas at ibinibenta na kadalasang idinadaan din sa mga network marketing o “networking.”

 Nauna ko nang tinalakay sa aking programang BITAG Live ang usaping ito noong Biyernes sa layuning pukawin ang publiko.

 Kaya para makaiwas sa mga sakit na maaaring idulot ng mga hindi aprubadong nutraceutical product, bumili lang sa mga reputableng drug store o ‘di naman kaya sa mga kumpanyang gumagamit ng mga simple at totoong tao na nagbibigay ng testimonya dahil nabigyan sila ng kakaibang lunas.

 Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

BIYERNES

DALAWANG

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUGS ADMINISTRATION

PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with