^

PSN Opinyon

Editoryal - DAP projects sa ‘Yolanda’ nasan?

Pilipino Star Ngayon

WALONG buwan na ang nakalilipas mula nang salantain ng Supertyphoon Yolanda ang mga probinsiya sa Kabisayaan pero hanggang ngayon wala pang nakikitang gaanong pagbabago sa kanilang buhay. Marami pa rin sa kanila ang mga nakatira sa tent, tagpi-tagping bahay at umaasa sa tulong ng mga pribadong organisasyon. Ngayong nananalasa na naman ang mga bagyo (gaya ni Glenda) lalong naging mahirap ang kalagayan ng mga residente sapagkat pumapasok ang tubig sa loob ng tent. Kaawaawa ang kalagayan ng evacuees na hindi na alam ang gagawin at ang iba ay tila ba nawawalan na ng pag-asa. Wala na bang katapusan ang kanilang paghihirap? Kailan magbabalik sa normal ang kanilang buhay?

Habang marami ang nawawalan na ng pag-asang makabangon, umiinit naman ang tungkol sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang labag sa Saligang Batas ng Supreme Court. Pero bago naideklarang labag sa batas, nagawa nang maipondo ng Malacañang sa maraming proyekto ang DAP. Ayon sa report, may 101 pro-jects ang pinondohan ng DAP. Ang nakapagtataka ay hindi masabi ng Malacañang kung magkano ang pondong nagamit o nailabas ng DAP. Iba-iba ang lumalabas na figure. Ang ipinagkaloob sa mga senador makaraang mapatalsik si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay galing din daw sa DAP. Ang arkitekto ng DAP ay si Budget and Management secretary Florencio Abad.

Pero sa 101 proyektong pinondohan ng DAP, hindi kasama rito ang mga biktima ng Yolanda. Kung sino pa ang dapat na unahing pagkalooban ay sila pa ang hindi nakabilang. Kaya marahil hanggang ngayon ay walang pagbabago sa buhay ng mga biktima ng Yolanda particular ang mga taga-Leyte at Samar provinces. Halos lahat ng mga bahay at gusali sa mga nabanggit na probinsiya ay nawasak dahil sa storm surges. May mga naitayo nang bahay at school sa mga lugar pero iyon ay dahil sa pagsisikap ng mga private organizations na walang sawang tumutulong bukod pa ang foreign donors.

Maraming pinondohan ang DAP pero hindi naambunan ang mga nabiktima ng Yolanda. Nasaan ang sinasabing nakinabang sa DAP ang mahihirap?

vuukle comment

BUDGET AND MANAGEMENT

DAP

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FLORENCIO ABAD

MALACA

PERO

SALIGANG BATAS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with