^

PSN Opinyon

Dapat ikutan na rin ang Ayungin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG bantay-sarado na ng mga taga-China ang Ayungin Shoal. Nag-airdrop ng mga suplay ang Philippine Navy sa mga Marines na naka-stasyon sa BRP Sierra Madre, ang barkong pandigma na sadyang nakasadsad sa nasabing lugar, para magsilbing base ng Pilipinas. Hindi na sinubukang ibayahe sa pamamagitan ng barko ang mga suplay dahil baka makipag-ha-bulan na naman sa mga barko ng China, tulad ng nangyari noong nakaraang buwan. Mga pagkain, tubig, pati na mga fast-food na pagkain para matuwa naman ang mga Marines. May mensahe pa ang AFP Chief of Staff sa kanila, at mga sulat mula sa mga bata sa Palawan na nagbibigay suporta sa kanila. Nakatataba nga naman ng puso.

At nakita nga ng mga nakasakay sa eroplano na may mga apat na barko ng China sa pali-gid ng Ayungin Shoal. Bukod sa mga barkong coast guard, may barkong pandigma na rin ang China sa lugar. Ano pala ang gagawin nila kung sakaling ibinarko ng Philippine Navy ang mga suplay? Hahara­ngin na naman sila? Huhulihin sila? Babarilin na sila?

Hindi kaya dapat iniikutan na rin ng mga barko ng Amerika ang Ayungin Shoal? Kung may mga kasunduan na naman ang Amerika at Pilipinas, kasama ang bagong EDCA, baka naman pwede na silang umikot sa Ayungin. Base ng AFP rin naman ang BRP Sierra Madre, hindi ba? Parang humahanap na lang ng tamang panahon ang China para tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin, kaya lagi na sila nandoon. Ayokong isipin ang mangyayari kung sakaling subukan na nilang tanggalin. Tiyak na lalaban ang ating mga sundalo, kahit ano pa ang mangyari.

Iba rin talaga ang mga Marines na naka-stasyon sa BRP Sierra Madre. Wala silang kalaban-la­ban kung sakaling sa­­la­kayin sila ng mga barko. Pero wala ka pa ring maririnig na reklamo. Sundalo sila na may pangakong ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas. At ganun ang kanilang ginagawa, sa kabila ng matinding pag-hihirap at lungkot sa BRP Sierra Madre.

 

vuukle comment

AMERIKA

AYUNGIN

AYUNGIN SHOAL

CHIEF OF STAFF

NAMAN

PHILIPPINE NAVY

PILIPINAS

SIERRA MADRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with