^

PSN Opinyon

China banta na sa buong daigdig

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG ginagawang panduduro ng China sa Pilipinas ay hindi lamang banta sa ating seguridad kundi sa buong daigdig.

Para sa Malacañang, pagsisikapan pang gumamit ng lahat ng diplomatiko at mapayapang paraan para ma­resolba ang isyung ito. Ngunit bakit tila kakaiba ang paninindigan ng Department of Foreign Affairs?

Anang DFA, kinokonsidera ng pamahalaan ang paghahain ng panibagong protesta laban sa China dahil sa muling panghaharas at pagharang sa barko ng Pilipinas na magde-deliver ng pagkain at iba pang supply sa mga sundalong Pinoy na naka-istasyon sa Ayungin shoal noong Sabado ng hapon.

Sobrang abuso na ang ginagawa ng China dahil hindi lang naman Pilipinas ang  tinatakot nito kundi bawat bansang may paghahabol sa Spratly Group of Islands.

Kung ako ang tatanungin, kahit tututol ang ibang grupong militante, hihingin ko na ang saklolo ng mga tinatawag na superpower tulad ng Amerika. At kahit hindi hingin, dapat nang kumilos ang mga kanluraning bansa para saklolohan ang mga bansa sa Asia na tinatakot ng China. Mas seryoso at lantaran ang ginagawang kabulastugan ng China. Ipinakikita ang lakas at pangil sa buong daigdig.

Ayon sa DFA pinag-aaralan na nito ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil sa naganap na dala­wang oras na stand off sa pagitan ng civilian ship ng Pilipinas at dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) sa Ayungin shoal sa Spartlys.

Hanggang pagkondena na lang ba tayo sa pananakot na ganito? Dapat ay umaksyon na para masupil ang pag-hahambog ng China sa bahaging ito ng daigdig.

Mula pa noong 1999 ay may maliit na puwersa na ang Pilipinas na nakahimpil sa Ayungin Shoal at walang karapatan ang China na takutin ang puwersa ng Pilipinas  sa sariling karagatang sakop natin.

vuukle comment

AMERIKA

ANANG

AYUNGIN

AYUNGIN SHOAL

CHINA

CHINA COAST GUARD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PILIPINAS

SPRATLY GROUP OF ISLANDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with