^

PSN Opinyon

Writ of Kalikasan

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NATATANDAAN ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng masuhin este mali pagbayarin ng Department of Natural Resources ang Philex Mining Corporation ng P1 billion at pagkatapos ay ipinasara pa ito dahil sa mga kapalpakan kahit sabihin dehins intentional ang tailing dam spillage nito.

Nananawagan ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISM0, sa gobierno ng Philippines my Philippines na patigilin, ipasara at pagmultahin ang DMCI Holdings Inc., isang kumpanya ng minahan ng nickel na nagsasagawa ng operasyon sa Zambales dahil sa pagsira at pagpatag ng bundok.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ni Atty. Ariel Inton, kinatawan ng Agham party-list, kaya raw pinatag ang bundok dahil nasa harapan ng kanilang lungga ang karagatan.

Ika nga, winasak ang bundok ginawang pier?

Ano kaya ang masasabi rito ni DENR Secretary Ramon Paje sa ginawang pagsira sa kalikasan?

Sabi ni Inton, kahit binigyan permit ng Philippine Port Authority ang DMCI upang magtayo ng port sa kanilang area ay nagpapahintulot na ito upang putulin ang mga puno at patagin ang bundok sa tabi ng karagatan.

‘A victory for the environment. A defeat for corporate greed”. sabi ni Atty. Inton ang kanilang ipinaglaban sa korte matapos na katigan sila at mag-isyu ng Writ of Kalikasan laban sa DMCI Holdings Inc.

Naku ha!

Paano ngayon ito?

Ayon kay Inton, awang-awa siya sa madlang people sa paligid dahil sa pollution likha ng DMCI dahil ang mga lupang galing sa pinatag na bundok ay sa dagat itinatapon?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ni Inton, may pagkukulang din ang DENR sa pinag-uusapan natin kasi nakalusot sa mata ng kanilang mga people ang pagsira sa kabundukan.

Ika nga, kailangan may managot dito?

Ikinuento ni Inton, na si P. Noy ang dapat kumumpas para ipatigil ang mga pagmimina in the name of public health, environment protection, and economic security. He is sworn to uphold the people’s basic needs and right to life.

Kasama sa Writ of Kalikasan na kailangang magpaliwanag sina si DENR Sec. Ramon Paje, DENR Management Bureau Director Lormelyn Claudio, at Phil. Ports Authority General Manager Juan Sta. Ana.

Kung gustong magpaliwanag ng tatlong kamote este mali ahensiya pala sa mga kuwago ng ORA MISMO, bukas ang ating kolum para sa kanila.

Abangan.

****************

Mga politikong bugok sa Lipa

NAGSUMBONG ang isa sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa rami ng sugalan nagkalat ngayon sa Batangas, Quezon, Cavite at Laguna kaya naman tuwang-tuwa ang mga kamoteng PNP dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Region 4 - A director Gatchalian ang dapat managot sa pagkalat ng mga illegal gambling sa kanyang area of responsibilities.

Ika nga, wala siyang ginagawa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga bookies at jueteng sa Lipa ay pinatatakbo ng mga bugok at talunang politiko sa Lipa na sina alyas Gimo, Mario, Joel at Erik.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ARIEL INTON

HOLDINGS INC

IKA

INTON

NAKU

SABI

TOTOO

WRIT OF KALIKASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with