^

PSN Opinyon

Mister ng senadora, nakipag-away sa isang babae sa parking lot

SABI NI BUBWIT - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang hindi pala gentleman ang mister ng isang senadora na nag-aral pa sa Amerika?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mr. Cesar Lee ng Toyota Alabang, Bener Baltazar, Edward Subarba, Thea Pecho, Cesar Basa, Lulut Buduan at Julius Mariveles.

 Alam n’yo bang pinatulan ng mister ng isang senadora ang isang babae dahil sa parking? Ayon sa aking bubwit, noong December 14, dakong 9:30 p.m., inaway ng asawa ng senador ang isang babaing customer sa isang restaurant sa Reposo St., Makati City.

Ang dalawa ay parehong bisita sa isang birthday party ng isang congressman. Nang lumabas ang babaing customer, naharangan pala siya ng kotse ng mister ni Senator.

 Hiniling sa guwardiya na hanapin kung sino  ang may-ari ng nakaharang na kotse. Matagal bago lumabas ang mister ni Senator kaya inabot nang mahigit na 30 minutes na naghintay ang babae.

Ayon sa aking bubwit, nang lumabas ang mister ni Senadora, nagalit ang babaing nahara­ngan sa parking. Pero sa halip mag-sorry ang asawa ng senadora, nakipagtalo pa ito sa babae. Nagkaroon sila ng diskusyon ng halos 10 minutes. Sinabihan pa ng asawa ng senadora ang babae na “I don’t care if you were waiting here for even one hour.”

At nang pumasok ito sa loob ng restaurant ay bumubulong pa siyang hindi raw uubra ang babae sa kanya dahil nag-aral siya sa Amerika. Ngee mataray pala si Sir. Ayaw ni Senadora at ng biyenan n’yo ng ganyan.

Ayon sa aking bubwit, ang mister ng senadora na nakipag-away sa isang babae sa parking lot     ng restaurant ay si Mr. P. as in Pito-Pito.

vuukle comment

AMERIKA

AYON

BENER BALTAZAR

CESAR BASA

EDWARD SUBARBA

ISANG

JULIUS MARIVELES

LULUT BUDUAN

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with