^

PSN Opinyon

Cabinet secretary, paboritong pagalitan ni P-Noy

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo ba kung sino ang Cabinet secretary na paboritong pagalitan ni President Noynoy Aquino?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Bro. Jojo Ellazar ng PNP-CIDG, Mr. Angelo King, Mervyn Lumaban ng DZRH, Weng Pioquinto ng Easy Rock-FM, Katrina Solomon, Rolly Santos, Albert Daguinot at Mar Urbano.

Alam n’yo bang merong Cabinet secretary na madalas pagalitan ni P-Noy?

Ayon sa aking bubwit, akala nang marami ay malapit si Secretary kay P-Noy dahil madalas silang magkasama. Yun pala, paborito siyang pagalitan. Ang matindi pa rito, kung pagalitan ni P-Noy si Secretary ay sa karamihan pa ng tao.

Ito ay ginagawa sa harapan mismo ng mga kasamang Cabinet secretaries at maski sa harapan ng ibang tao. Kaya pala madalas itong pagalitan ay dahil hindi ginagawa ni Secretary ang kanyang trabaho.

Ang parati umanong naririnig kay P-Noy kapag pinapagalitan si Secretary ay “hindi mo na naman ginawa ang trabaho mo”.

Marami kasing kapalpakan si Secretary kaya hindi na rin ito pinagsasalita sa media kahit isa siya sa mga “mouthpiece” ni P-Noy. Antipatiko at mayabang kasi si Secretary.

 Ang Cabinet secretary na ayaw pa ring mag-resign kahit madalas pagalitan ni P-Noy ay si Secretary C. as in Cordero.

vuukle comment

ALBERT DAGUINOT

ANG CABINET

AYON

EASY ROCK

JOJO ELLAZAR

KATRINA SOLOMON

MAR URBANO

MERVYN LUMABAN

P-NOY

SECRETARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with