^

PSN Opinyon

Cabinet member ni P-Noy meron nang airline company

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang meron nang airline company ang isang kontrobersiyal na Cabinet secretary ni President Noynoy Aquino?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Engr. Adlai Cabuyadao, Engr. Froilan Lara, Dr. Al Loreto, Noli Libunao, Rolly Aguja, Manny Crisostomo, Rolly Balmori at Mandy Bustamante.

Alam n’yo bang mainit ngayon ang balitang nakabili o kasosyo na ngayon sa isang airline company ang isang Cabinet secretary ni P-Noy?

 Si Secretary ay may image na Mr. Clean subalit nang nabulgar ang mga anomalyang kinasangkutan ng queen     of pork barrel scam na si Janet Lim Napoles, nababahiran na rin ang kanyang pangalan.

Kasabay ng kontrobersiya ng Priority Development Assistance  Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) na may kinalaman sa departamento ni Secretary, lumutang din ang isyu sa airline.

Hindi naman lumutang ang pangalan ni Secretary sa kompanya. Ang mga kasosyo sa airline company ay foreign investors mula sa Singapore subalit ang kapatid ni Secretary ay kasama sa kompanya bilang dummy.

Ang tanong nang marami, ano ba ang negosyo ng kapatid ni Secretary at nagkaroon nang malaking invest­-          ment sa airlines. Hindi kaya katas ng PDAF at DAP? Alam kaya ito ni P-Noy na nagsabi kamakailan na hin­ di “hindi ako magnanakaw” at “hindi kami magnanakaw.”

Ang Cabinet secretary na balitang nakabili o kasosyo ng bagong airline company ay si Sec. F. as in Funds.

vuukle comment

ADLAI CABUYADAO

ALAM

ANG CABINET

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

DR. AL LORETO

FROILAN LARA

JANET LIM NAPOLES

SECRETARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with