^

PSN Opinyon

Dalagitang kasambahay, inilublob sa dagat ni Congresswoman

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang may bayolente pala ang isang bagitong congresswoman?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Gov. Manoling Ortega ng La Union, Ms. Juvy Navarro ng Cagayan de Oro City, Princess Garcia, Bro. Rene Peña at Bro. Kim Villanueva.

Alam n’yo bang malupit pala sa kasambahay ang isang congresswoman na educated pa mandin sa US? Naturingan ngang nakapag-aral sa US si Congresswoman pero kulang naman sa Good Manners and Right Conduct. 

Ayon sa aking bubwit, isang dalagitang kasambahay ang pinagmalupitan ni Congresswoman at mister nito na isang mayor. Ang mayor ay unang asawa ni Congresswoman.

Si Mayor kasi ay nawalan ng mamahaling Rolex sa kanilang bahay. At ang pinagbintangan kaagad ay ang kanilang kasambahay na dalagita. Sinita ang kasambahay subalit itinanggi naman nito dahil wala naman daw siyang alam tungkol sa Rolex.

Ayon sa aking bubwit, nang ayaw umamin ang kasambahay, kinaladkad ito nina Congresswoman at Mayor sa dagat at inilublob doon. Pero kahit inilublob ang kasambahay, hindi ito umamin dahil hindi naman siya ang nagnakaw.

Grabe ang lupit nina Congressman at mayor. Kaya siguro hindi rin sila nagkasundong mag-asawa at naghiwalay din. Pero ang hinihinalang may attitude problem ay si Congresswoman dahil naka-tatlo na itong asawa pero nauwi rin sa hiwalayan. Ang bago niyang mister ngayon ay dating congressman.

Ayon sa aking bubwit, ang congresswoman na nagmaltrato sa kanyang kasambahay ay si Congresswoman R.R. ng Southern Luzon.

vuukle comment

AYON

CONGRESSWOMAN

CONGRESSWOMAN R

GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT

KASAMBAHAY

KIM VILLANUEVA

LA UNION

MANOLING ORTEGA

MS. JUVY NAVARRO

ORO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with