^

PSN Opinyon

Customs collector natatakot gamitin ang kanyang sports car

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang natatakot ang isang Customs collector na gamitin ang kanyang brand new car na Lamborghini?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating Vice-President Noli de Castro,  Bro. Marcial Sese, Bro. Gregorio “Boy” Alvarez at DJ Dian Kate Valdez a.k.a. Robin Sienna ng Love Radio FM 90.7.

Maniniwala ba kayong natatakot at nahihiyang gamitin ng isang customs collector ang kanyang brand new Lamborghini? Natatakot dahil baka habulin siya ng BIR at nahihiya na baka pagdudahan siya kung saan galing ang ipinambili niya ng Italian sportscar.

Ayon sa aking bubwit, ang pulang Lamborghini ni Mr. Collector ay nagkakahalaga ng P26-million. Wow, ka-sing halaga pala ito ng pinaka-murang Rolls Royce. Binili kaya ito ni Mr. Collector, regalo o ipinuslit mula sa Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan?

Ang sports car ni Mr. Collector ay mahigit tatlong buwan nang nakagarahe sa kanyang bahay at hindi niya ginagamit. Ang gumagamit ay ang kanyang bodyguard kapag ito ay pinakakargahan ng gasolina. Araw-araw ka-sing pinaaandar ang kotse kaya nauubusan ng gasolina at saka lamang ilalabas sa garahe.

Alagang-alaga ni Mr. Collector ang kanyang Lambor­ghini dahil ito ang kanyang dream car. Hindi halos ito pinadadapuan sa langaw kaya nilagyan niya ng kulambo.

Inaalis lamang ni Mr. Collector ang kulambo sa umaga. Habang siya ay nagkakape, nakaharap siya sa Lambor­ghini at sinisipat-sipat. Kapag may nakitang alikabok ay pinupunasan agad at muling nilalagyan ng kulambo.

Pag-uwi ni Mr. Collector sa bahay sa hapon ay muling inaalis ang kulambo at pupunasan. Umuupo siya sa loob ng kotse habang nagkakape.

Ayon sa aking bubwit, ang Customs collector na may brand new Lamborghini pero natatakot gamitin at baka ma-lifestyle check ay walang iba kundi si Mr. G. as in Gara ng kotse mo.

vuukle comment

AYON

COLLECTOR

DIAN KATE VALDEZ

LAMBOR

LAMBORGHINI

LOVE RADIO

MARCIAL SESE

MR. COLLECTOR

MR. G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with