^

PSN Opinyon

Misis ng isang Cabinet member… nakikialam sa tanggapan ni Mr. Secretary

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang pakialamera ang misis ng isang miyembro ng Gabinete ni President Nonoy Aquino?

Ayon sa aking bubwit, nagulat ang mga staff ni Mr. Secretary dahil nakikialam ngayon ang misis ng kanilang opisyal. Dati-rati kasi ang misis ng mga naging secretary sa kanilang departamento ay hindi naman nagpupunta sa kanilang opisina.

Ang malungkot ngayon sa bagong Cabinet member, pinababayaan ni Sir ang kanyang misis na pumunta sa kanilang opisina at nagbibigay pa ng order.

May biruan tuloy ngayon sa kanilang tanggapan na baka raw miyembro ng UHAW si Mr. Secretary, ang ibig sabihin ay miyembro ng Union of Husbands Afraid of their Wives.

Ayon sa aking bubwit, ang pinakialaman ng misis ng Cabinet member ay ang renovation sa opisina ni Sir. Actually kumuha pa ito ng interior designer-contractor.

Pagkatapos ng renovation ng opisina ni Secretary, si Misis pa ang kumuha ng tseke worth P5-million at siya na raw ang magbibigay doon sa contractor.

Wow ang mahal namang renovation yun? Puro imported ba yung mga gamit ni Secretary. Nagdududa tuloy ang mga staff na baka may malaking cut o komisyon si Misis kaya siya pa ang kumuha ng tseke.

Ang Cabinet secretary na may misis na nakikialam sa kanyang opisina ay si Secretary P. as in Pakialamera.

vuukle comment

ANG CABINET

AYON

DATI

MISIS

MR. SECRETARY

PRESIDENT NONOY AQUINO

SECRETARY

SECRETARY P

SIR. ACTUALLY

UNION OF HUSBANDS AFRAID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with