^

PSN Opinyon

Dakila ang pag-ibig

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

ANG Diyos ang lumilikha sa atin tuwina, tulad ni Jeremias ay itinalaga rin tayo ng Panginoon.  Bago pa tayo ipaglihi ay kilala na tayo sapagka’t Siya ang lumikha at nag-iingat sa atin. Lahat ng ating kakayanan ay itinalaga ng Diyos.

Ayon sa Salmo: “Patuloy kong isasalaysay ang dulot mong kaligtasan”.  Ang Diyos ay pag-ibig, kaya’t hinihimok Niya tayo upang maging matiyaga, magandang-loob at huwag mananaghili, mapagmapuri, mapagmataas at huwag tayong magkaroon ng magaspang na ugali,

hindi makasarili, magalitin o mapagtanim sa kapwa. Iwasan natin ang isip bata o magsalita tulad sa bata.  Ngayong tayo ay may sapat na gulang, iwan na natin ang mga isip at asal-bata.

Sa pag-ibig sa atin ng Diyos ay sinugo Niya ang anak Niyang si Hesus hindi lamang para sa Kanyang mga kababayan (Israel) kundi para sa lahat ng tao sa sanlibutan. Nagmula si Hesus sa Nazaret subalit walang kumilala sa Kanya. Kadalasan ay walang propeta ang

kinikilala sa sariling bayan kundi sa  ibang lugar, ang buong daigdig.

Manatili sa atin ang tatlong antas  ng  buhay:  Ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig at ang pinaka-dakila sa lahat ay ang pag-ibig. Sa pag-ibig sa atin ng Diyos ay sinugo Niya ang Kanyang Bugtong na Anak  hindi lamang para sa Kanyang mga kababayan kundi para

sa lahat ng tao. Kadalasan ay walang propeta ang kinikilala sa sariling bayan. Maging si Hesus ay naranasan  ang sinabi ng isang propeta subalit kung hindi Siya tinanggap sa sariling bayan ay kinilala at sinampalatayanan naman Siya  sa lahat ng lugar sa buong daigdig.

Isapuso natin at isabuhay ang tunay na pag-ibig sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Pebrero na ngayon, buwan ng pag-ibig. Idalangin natin na ang pag-ibig na ipagdiriwang ay hindi makalupa at init ng katawan kundi ang paggalang sa kahalagahan ng buhay.

Jer 1:4-5, 17-19, Salmo 79, Cor 13:4-13 at Lk 4:21-30

vuukle comment

ANG DIYOS

DIYOS

HESUS

IBIG

KADALASAN

KANYANG

NIYA

PAG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with