^

PSN Opinyon

Tayo na sa ilang na pook

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - The Philippine Star

NGAYON sa makabagong daigdig ang kadalasan na-ting maririnig sa ating kapwa ay: Napakabilis naman ng maghapon, abalang-abala, gahol na gahol sa mga plano sa buhay, ang bilis ng araw, di ko natapos at sayang naman. Sa kaguluhan ngayon sa daigdig ay walang tunay na kapayapaan at pagkakaisa.

Ang paalaala sa atin ni Jeremias ay: “Parurusahan ng Panginoon ang mga namumunong walang malasakit sa kanilang nasasakupan at pinababayaan na ang mga ito’y mangalat at mamatay”. Kaugnay nito, patuloy nating ipanalangin si P-Noy na patuloy niyang maisakatuparan ang kanyang mga pag-aayos sa ating lipunan, ang katarungan at kapayapaan.

Isang katanungan ang maipapahayag natin kay P-Noy. Narinig na kaya niya ang paanyaya sa kanya ni Hesus? “Magtungo kayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at magpahinga kayong kaunti.” Ito ang tagubilin ni Hesus sa mga alagad ng simbahan at lipunan na pagnilayan sa tulong ng Panginoon ang mga problema at kaguluhan sa ating lipunan. Ilang ulit na kayang nag-retreat si P-Noy at lahat ng kanyang Gabinete na sa harap ng Panginoon ay niliwanagan sila ng Espiritu?

Ipagpatuloy nawa ng mga pinuno ng tahanan, simbahan at pamahalaan upang pag-isahin ang isang  kawan. Ibalik nawa sa atin ni Hesus ang kaunlaran sa ating bansa tulad nang Kanyang sinabi sa Israel: “Ibabalik ko sila sa kanilang tinubuang lupa, paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan.” Ipanalangin natin na harinawa ay maganap din ito sa ating bansa na naghihirap hindi lamang sa salapi kundi pati sa pagkakaisa. “The Lord is my shepherd, there is nothing I shall want”.

Sa ating mga pagdalo sa ilang na pook o simbahan ay naroroon ang ating Panginoon na naghihintay sa atin. Ano po bang ginagawa natin kapag kaharap na natin ang Panginoon sa Kanyang dambana. Tayo ba’y patuloy na nakikipag-usap sa Kanya sa lahat ng ating problema at pangangailangan? Ilan kaya sa atin ang pawang nasa katahimikan at naghihintay sa mga sasabihin sa atin ng Panginoon.

Jer 23:1-6; Salmo 23; Efe 2:13-18 at Mk 6:30-34

vuukle comment

ANO

ATING

ESPIRITU

GABINETE

HESUS

KANYANG

P-NOY

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with