^

PSN Opinyon

'Masakit ang joints ko,gout ba ito?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
‘‘Dr. Elicaño, magandang araw po sa iyo. Ako ay 40-years old. Problema ko ang pananakit ng aking mga kasu-kasuan (joints) lalo na ang aking tuhod. Hindi pa naman grabe ang sakit pero kapag kumakain ako ng atay, mani at iba pang klase ng beans ay nararamdaman kong tila namamaga ang aking kanang tuhod. Hindi ko pinapansin dahil makalipas lamang ang dalawang araw ay wala na akong nararamdamang sakit. Ito kaya yung tinatawag na gout? Ano po ang mga sintomas at ano ang dapat gawin kung ito nga ay gout? Salamat po.”

—Ruben Basco, Algeciras St. Sampaloc, Manila

Maaaring gout ang nararanasan mong pananakit ng tuhod. Pero nararapat pa ring masuri ang iyong dugo kung ito ay may mataas na uric acid level. Magpa-laboratory test ka.

Masakit ang atake ng gout. Bukod sa pagsakit ng kasu-kasuan, nagkakaroon din ng fever ang pasyente. Kadalasang masakit at namamaga ang hinlalaki ng mga paa. Yung iba ay halos hindi maigalaw ang kanilang mga paa dahil sa tindi ng sakit.

Ang gout ay uri ng arthritis. Masakit ito dahil naki­kiskis ng joints ang mga natipon o nakadepositong monosodium urate crystals.

Kadalasang ibinibigay ng doctor sa may gout ay Colchicine para mawala ang kirot at makontrol ang pamamaga. Pero may side effect ito gaya ng diarrhea at ang maaaring ma-damage ang bone marrow. Ipini-prescribed din ang Allopurinol, pero kailangang i-monitor ng doctor dahil maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, skin rashes at decrease sa white blood cells.

Maaaring maiwasan ang gout sa pamamagitan ng mga sumusunod:

• Magbawas ng timbang at iwasan ang pag-inom ng alak.

• Iwasang kumain ng atay, sardines, peas, beans, asparagus, cauliflower at spinach.

• Uminom nang walong baso ng tubig.

• I-check ang iyong gamot na iniinom sa high blood pressure. Ang gamot sa high blood ay may thiazide diuretics na nagko-cause ng gout.

vuukle comment

ALGECIRAS ST. SAMPALOC

ANO

BUKOD

DR. ELICA

GOUT

KADALASANG

MAAARING

MASAKIT

PERO

RUBEN BASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with